top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga trapo, dedma kung mabaon sa utang ang 'Pinas, basta may confi at ‘pork’ sila, grabe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 5, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 05, 2023


IMPORTANTE SA MGA TRAPO ANG MAGKA-CONFI AT PORK BARREL FUNDS, WALA SILANG PAKI KAHIT MABAON SA UTANG ANG ‘PINAS -- Baon na baon na sa utang ang Pilipinas, at imbes mag-isip ng paraan ang mga trapo (traditional politicians) paano sila gagawa ng paraan na kahit paano ay mabawasan ang utang ng ‘Pinas, eh ang inaatupag ay nagsisipaghingian pa ng confidential funds at pork barrel funds.


D’yan makikita na parang walang paki sa mamamayang Pinoy ang mga trapo na ito. Wala silang paki mabaon man nang husto sa utang ang ‘Pinas, basta importante sa kanila ay magka-confi at pork barrel funds, mga pwe!


◘◘◘


MAS BINIGYAN NG PRAYORIDAD NG DBM ANG CONFI AT PORK BARREL FUNDS NG MGA TRAPO KAYSA BAYARAN ANG UTANG NG PHILHEALTH SA MGA PRIVATE HOSPITAL -- Naghihimutok ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth ang kabuuang P27 billion na pagkakautang nito sa mga pribadong ospital sa bansa.


Dapat ang ginawa ni Sec. Amenah Pangandaman ng Dept. of Budget and Management (DBM) sa mahigit P5.7 trillion national budget para sa year 2024, ang P27 billion ay inilaan sa PhilHealth para mabayaran na ang utang sa mga private hospital, eh ang masaklap, mas binigyan ng prayoridad ng budget sec. ay ang paglalaan ng confidential funds at lump sum o pork barrel sa mga trapo (traditional politicians), buset!


◘◘◘


HIRAP ANG MALACAÑANG, KAMARA AT SENADO NA IPALIWANAG SA SC NA PUWEDENG ISUGAL ANG PERA NG BAYAN KAYA WALA PANG SAGOT SA KORTE SUPREMA? -- Sinabihan ng Supreme Court (SC) ang Malacañang, Kamara at Senado na sagutin ang petisyon nina Minority Leader Sen. Koko Pimentel at ng Bayan Muna partylist na humihiling sa Korte Supreme na ideklarang unconstitutional ang Maharlika Investment Fund (MIF).


Siguro, kaya wala pang sagot ang Malacañang, Kamara at Senado sa petisyon nina Pimentel at Bayan Muna ay dahil nahihirapan silang ipaliwanag na puwedeng isugal ng gobyerno ang pera ng bayan, period!

◘◘◘


TINGNAN NGA NATIN KUNG KAYA NI NEWLY APPOINTED R4-A GEN. LUCAS NA IPA-TOKHANG MGA TONGPATS COLLECTOR SA CALABARZON -- Bago na ang regional director (RD) ng PNP-Region 4-A sa katauhan ni Gen. Paul Kenneth Lucas, ang pinalitan niya sa puwesto ay si Gen. Carlito Gaces.


Ngayong si Gen. Lucas na ang RD ng PNP-Region 4-A, tingnan nga natin kung kaya niyang ipa-tokhang ang mga "tongpats collector" na sina “SJ,” “Galyon,” "Tsan Parak," "Rico," "Dave”, “Joseph," “Jun,” "Lopez," "Bingot" at "Hanibal" na ang raket ay mangolekta ng payola sa mga gambling lords, bahay-aliwan, illegal loggers, illegal quarrying, oil pilferage syndicate, vendors at terminal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON), abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page