top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga trapo, confi funds at ‘pork’ ang pakay sa puwesto, ‘di para magserbisyo, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 12, 2023


KUNG WALANG CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL ANG MGA TRAPO, ‘DI KAKAPUSIN ANG PANG-PENSION NG MGA SUNDALO, PULIS AT UNIFORMED PERSONNEL—Nakakuha na ng suporta sa ilang senador at kongresista sa nais nina Pres. Bongbong Marcos, Jr. (P-BBM) at Sec. Benjamin Diokno ng Department of Finance (DOF) na kuhanan ng monthly contribution ang mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel para hindi kapusin sa pondo ang pamahalaan para sa kanilang pension kapag nagretiro ang mga ito.


Sa totoo lang, hindi kakapusin sa pondo ang pamahalaan para sa pension sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel kung walang confidential funds at pork barrel ang mga pulitiko, period!


◘◘◘


MAY MGA TRAPO NA KUMANDIDATO LANG PARA MAGKA-CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL—Mawala lang ang yearly confidential funds at pork barrel ng mga pulitiko, sobra-sobra ang magiging yearly national budget. Hindi na rin kakapusin ang pondo para sa pension ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel, at tiyak na may matitira pang pang-ayuda para sa mahihirap na Pinoy.


Ang problema sa isyung ito, pumayag kaya ang mga traditional politicians (trapo) na wala na silang matanggap na yearly confidential funds at pork barrel?


Eh, sa totoo lang, karamihan sa mga trapo ay kumakandidato lang para magkaroon ng confidential funds at pork barrel ‘pag nagwagi sila sa halalan at hindi para maglingkod sa mamamayan, mga buset!


◘◘◘


SOURCE OF CORRUPTION ANG CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL—Bakit ba gustung-gusto ng mga trapo na magkaroon ng confidential funds at pork barrel?


Simple lang ang sagot d’yan—ang confidential funds ay walang resibo kung saan ginasta, kaya hirap ang Commission on Audit (COA) na malaman kung saan ginastos ito, at ang pork barrel naman ay karaniwang nagagamit sa mga ghost projects.


Sa maikling salita, ang confidential funds at pork barrel ay source of corruption ng mga trapo, boom!


◘◘◘


‘PAG ANG MGA KURAKOT NA TALUNANG KANDIDATO AY NAGKAPUWESTO SA PAMAHALAAN, MADARAGDAGAN ANG MGA BUWAYA SA GOBYERNO—Kinumpirma ni P-BBM na ngayong tapos na ang ‘one-year ban’ sa mga natalong kandidato noong nakaraang halalan—ibig sabihin ay puwede na silang magkapuwesto sa gobyerno—at may mga itatalaga raw siya sa mga tanggapan ng pamahalaan na pamumunuan ng mga talunang pulitiko.


Kapag ang mga naipuwesto ni P-BBM ay may bahid ng korupsyon, asahan nang madaragdagan ang mga ‘buwaya’ sa pamahalaan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page