top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Mga titser, maging wais vs. scammers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2024
  • 2 min read

by Info @Editorial | Oct. 17, 2024



Editorial

Sa sitwasyon ngayon, marami ang nagsasabi na hindi na uubra ang isang trabaho. Kung may pagkakataong madagdagan ang kita, talagang papasukin na.


Gayunman, hindi lahat ng oportunidad ay masasabing maayos at ligtas, kailangang suriing mabuti bago pasukin gaya na lamang ng pag-i-invest. 


Sa ngayon maraming kumpanya ang nagsulputan sa ganitong negosyo bagama’t may mga legit, meron pa ring mga scammer.


May mga ulat na maging ang mga guro ay nabiktima na rin. Kaya nakatakdang magturo ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga titser upang madaling matukoy ang mga investment scam.


Ang SEC ay pumirma ng kasunduan sa Department of Education (DepEd) para turuan ang mga guro na tukuyin, iwasan at i-report ang mga illegal investment scheme para mapigilan ang mga ito na ipuhunan ang kanilang pinaghirapang sahod.


Kabilang din sa MOA ang smart financing at investment education resources ng komisyon patungo sa educational curriculum ng Pilipinas.


Para naman sa DepEd, gagawin umano nilang learning materials ang mga ito na magagamit sa classroom setting.


Kaugnay nito, isinusulong din ng SEC ang pag-apruba ng Capital Market Development Act, na magbibigay ng legislative basis para sa pagsasama ng SEC learning materials sa curriculum.


Ang paglaban sa investment scams ay nangangailangan ng masusing kaalaman at tamang pag-uugali. 


Mahalagang suriin ang mga oportunidad sa pamumuhunan; dapat tiyakin na ito ay lehitimo at may tamang regulasyon. Dapat maging mapanuri sa mga "too good to be true" na alok. 


Mainam na kumonsulta sa mga financial advisor at magsaliksik tungkol sa background ng kumpanya o indibidwal na nag-aalok ng investment. 


Higit sa lahat, dapat maging maingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyon at maging alerto sa mga palatandaan ng panloloko para hindi maloko. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page