Mga tips para manalo sa lotto base sa birth date
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 23, 2021
Dear Maestro,
Sa June 19, magsa-sampung taon na kaming kasal ng mister ko at mula nang kami ay magsama, pangarap na naming magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ngunit hindi ito matutupad kung ang maliit na suweldo lang naming mag-asawa ang aming aasahan. Sa ngayon, pareho kaming factory worker sa isang pabrika at dahil may pandemya, hindi pa regular ang pasok namin.
Kaya gusto kong humingi ng masuwerteng numero para matupad ang pangarap naming mag-asawa na magkaroon ng kahit maliit na bahay at sarili talaga namin ang lupa. Matutupad ba ang pangarap naming ito? May 16, 1985 ang birthday ko habang August 31, 1978 naman ang mister ko. At sana, Maestro ay mabigyan n’yo rin kami ng mapapalad na numero dahil paminsan-minsan ay tumataya kami sa lotto.
Umaasa, Suzette ng Santa Isabel, Kawit, Cavite
Dear Suzette, Ayon sa sa birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) at destiny number na 8 (5+16+1985=2006/ 20+06=26/ 2+6=8), habang 31 o 4 (ang 31 ay 3+1=4) naman ang birth date ng mister mo na may destiny number na 1 (8+31+1978=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1), ay nagsasabing mapalad kayong mag-asawa sa mga numerong may sumatotal na 1, 4 at 7, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 13, 22, 31, 40, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito, lalo na sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo at Oktubre. Bukod sa numerong may sumatotal na 1, 4 at 7, maaari ring subukan ang 1, 14, 20, 23, 28 at 35, ganundin ang 7, 19, 25, 28, 37 at 44.
Dagdag pa rito, upang mas madaling mahigop ang suwerte at magandang kapalaran, kailangan din namang palagi n’yong gamitin ang suwerte n’yong kulay na berde at pula upang mas madali n’yong maakit ang buwenas na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.
Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang sasalihang pa-raffle o number games, maghanap kayo ng lotto outlet na kasukob ng opisina o kasama sa compound ng isang telecommunication o publication company, maaari ring isang lotto outlet na katabi ng isang computer café dahil ang mga nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng jackpot.
Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 37 pataas, malaking halaga ng salapi ang inyong maibubulsa, sapat upang makabili kayo ng house and lot o lupa hanggang sa tuluyan n’yo na ring masimulang ipagawa ang inyong dream house.


Ako po si felipe de la cruz 58 taong gulang at kasalukoyang nagtatraho sa constraksyon,maliit lang po ang sahod ko at ang aking wife ay nasa bahay lang po,wala pa po kaming sariling bahay at pinatira lang kami sa bahay ng aking kapated na babae,pangarap kopong magkaroon nv sariling bahay ngunit talagang kapos po,at umabot ako sa 58 taong gulang pero hnd parin natupad at nanatiling pangarap nalang,maarinyo po ba kaming tulongan mag asawa at makahinge narin ng numero,ako po ay ipinanganak noong August 23,1965,at ang aking asawa nan ay ipinanganak noong november 03,1974 maaari nyo po bang bigyan kami ng masuwerting numero batay sa aming kapanganakan maraming salamat po.