Search
  • BULGAR

Mga tindero sa palengke, uunahin sa swab testing

ni Lolet Abania | September 14, 2020




Mga tindero sa 17 pampublikong pamilihan ang unang susubok ng swab testing sa ikalawang RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital sa Manila kapag binuksan na ito sa susunod na linggo.


Ito ang ibinigay na direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno kina Manila Health Department Director Dr. Arnold Pangan, Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy.


“Ito ay para lalong matiyak na ligtas ang ating mga mamimili sa ating mga public market sa sakit na COVID-19,” post sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno.


“We test them so we can guarantee the people that those selling inside our markets are safe individuals. Sila ang una nating kliyente. Unahin natin lahat sa palengke. Matutuwa pa ang vendor, hindi gagastos ng P4,000, makakatipid na sila, panatag na sila, ‘yung consumer natin panatag din,” sabi pa ni Moreno sa pagpupulong kasama ang mga city officials.


Bukod sa public market vendors, sunod na magsasagawa ng swab testing sa mga driver ng pedicab, tricycle at jeepney, gayundin sa mga matansero.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.