Search
  • BULGAR

Mga talents at empleyado ng ABS-CBN, welcome sa GMA at TV 5!

ni Ka Ambo - @Bistado | July 12, 2020



Ibinasura nang tuluyan ang prangkisa ng ABS-CBN.


Hudyat na ito ng 2022 presidential elections!


◘◘◘


Asahan natin ang magarbong eleksiyon sa 2022.


Babaha ng campaign fund!


◘◘◘


Malinaw na malinaw na mayroon nang grupo agad na kokontra sa manok ni P-Digong.


At kaylaki ng budget!


◘◘◘


Pero, tiyak na mayroon ding dambuhalang budget ang maka-Duterte.


Walang duda na susuporta rito ang Yuan.


He-he-he!


◘◘◘


Ngayon pa lamang ay tumutunug-tunog na ang apelyidong Tsekwa na panlaban ni P-Digong.


‘Ika nga ng mga DDS: Go! Go! Go!


◘◘◘


Ang siste, ‘pag natalo ang manok ni P-Digong, saan kaya pupulutin angmalalapit niyang ayudante?


Mapupuno ang karsel ng camp crame.


Maaaring silang maaresto bilang “potential na terorista”.


Ang batas na kanilang inimbento ay sila rin ang magiging unang biktima!


◘◘◘


Wala kinalaman ang pagsasarado ng ABS-CBN tungkol sa trabaho ng mga artista.

Puwede naman silang lumipat sa GMA 7 kung gusto nila.


Wala namang batas ang Kamara na bawal lumipat sa ibang TV networks ang mga taga-Kapamilya!


◘◘◘


Bakit, hindi ba puwedeng ilipat sa GMA 7 o TV 5 ang “Ang Probinsiyano”?


Puwede naman!


◘◘◘


Minsan ang loyalty ang siyang dahilan kaya walang trabaho ang ilang Pinoy.


Trabaho lang naman, wala dapat personalan!


◘◘◘


Labing-isa ang kakampi ng ABS-CBN sa Kamara.


Hindi sana sila ma-onse!


◘◘◘


Seventy ang target ngayon ng anti-Digong.


Kantiyaw sa bingo ‘pag lumalabas ang numerong ito: Kalbo, kalbo, kalbo!


◘◘◘


Nakagawa ng pambihirang record si P-Duterte na hindi nagawa ng ibang lider sa ibang bansa.


Napasarado nito ang No. 1 media conglomerate!


◘◘◘


Sa tingin natin, si P-Duterte ang strongest president ever sa buong daigdig.


Kailangan siyang katakutan ng iba pang lider!


◘◘◘


Kailangan magamit ni P-Duterte ang kanyang popularidad para maiahon ang Pilipinas mula sa pagdarahop.


Kung paano, ‘yan ay isang malaking palaisipan!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.