top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga taga-LTFRB, mas gustong e-jeep na made in China kesa gawang Pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 11, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KOREK SI SEN. IMEE, MGA RICE IMPORTER LANG ANG NABIYAYAAN SA 15% TAPYAS SA TARIPA -- Tutol si presidential sister Sen. Imee Marcos sa naging desisyon ng kapatid niyang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na tapyasan ng 15% ang binabayarang taripa ng mga rice importer kasi mga kapitalista lang ang makikinabang dito at hindi lahat ng Pinoy ay makakakuha ng mababang presyo ng bigas.


Tama ang sinabing ito ni Sen. Imee kasi matapos tapyasan ng taripa, ang ginawa ng mga rice importers ay sa mga Kadiwa store lang nagbagsak ng bigas na P29 per kilo at hindi sa lahat ng pamilihan, na ibig sabihin ay hindi lahat nakakabili ng murang presyo ng bigas kundi kakaunti lang at ang mga ito ay ‘yung mga nagtitiyagang pumila sa mga Kadiwa store, boom!


XXX


CONTENT PLUS PROMOTE SA ONLINE ILLEGAL GAMBLING, BAGONG DISKARTE NG MGA VLOGGER -- Hindi pa rin itinitigil ng mga vlogger na kasabwat ng mga online gambling lords ang panloloko sa kanilang mga followers na kesyo madali lang daw tumama at magkapera sa mga pinu-promote nilang online illegal gambling sa social media.


Last year ay itinigil ng mga vlogger ang bad nilang gawain nang balaan sila ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na kakasuhan kapag hindi hininto ang pagpu-promote ng mga illegal online gambling. Pero ngayon balik na naman sila sa kanilang raket, ‘yun lang hindi na lantaran.


Diskarte ngayon ng mga vlogger, gagawa ng content, at ang kasunod ay pagpu-promote ng online gambling, kaya kung nais ng CICC na may makasuhan silang vloggers, suriin nila ang mga content ng mga sikat na social media influencers at sigurado sa pinakahuling content, may madadale sila r’yan, period!


XXX


SAGAD SA BUTO ‘KASAMAAN’ NG MGA VLOGGER NA NAGPU-PROMOTE NG ONLINE ILLEGAL GAMBLING -- Sagad sa buto ang “kasamaan” ng mga vlogger na ang dini-Diyos ay kuwarta.


Imbes pasalamatan ang kanilang mga followers dahil tinatangkilik ang kanilang mga content sa social media ay nagagawa pang makipagsabwatan sa mga online gambling lords para magkakuwarta sa pamamagitan ng panghihikayat na tumaya sa mga online illegal gambling na mas lamang ang talo kaysa panalo, mga buset!


XXX


MAY LAHING CHINESE KAYA ANG MGA TAGA-LTFRB, KASI MAS GUSTO NILA ANG E-JEEP NA GAWANG CHINA KESA JEEP NA GAWANG PINOY -- Nilinaw ni MANIBELA transport head Mar Valbuena na hindi sila tutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno, kundi ang nais lang daw nila ay gawang Pinoy na traditional jeepney ang i-loan nila dahil mas mababa ang presyo nito kumpara sa iniaalok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na e-jeep na made in China na ubod ng mahal.


Dapat yata imbestigahan ng Senado at Kamara ang pagkatao ng mga taga-LTFRB kasi baka ang mga namumuno r’yan ay may lahing Chinese kaya mas pinu-promote ang e-jeep na made in China kesa traditional jeep na gawang Pinoy, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page