MGA TAGA-FAMAS, NAGTUTURUAN NA SA KAPALPAKAN SA AWARDS NIGHT
- BULGAR

- May 31, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 31, 2024

Usapang-FAMAS pa rin.
Ang haba-haba ng naging paliwanag at pagpapalabas ng resibo kuno ng isang John Rey Rivas (naging Best Supporting Actor winner daw ng FAMAS) na parte ng production team under Atty. Vince Tañada na namahala sa awarding rites ng FAMAS.
Buod ng sinasabing kuwento ang pagpukol ng sisi sa PRO ng FAMAS na si Renz Spangler, na ni hay o hoy nga ay walang sinasabi.
Sa kabuuan ng litanya, napag-analisa na lang namin na kulang sa experience ang team ni Atty. Tañada, na tila wala itong kasanayan sa mga kagayang event dahil puro paninisi at pagtuturo ang kinahantungan ng mga alibi nila.
Imbes kasi tanggapin ang pagkakamali at ayusin ang sistema, nagyabang pa ng credentials na sa tingin naman namin ay walang ‘wawa’.
Pabongga at paandar at the expense of big stars na dumalo, pero simpleng gusot, hindi maplantsa.
Kawawang FAMAS uli.








Comments