Mga suwerteng buwan para sa bebot na gustong mangibang-bansa
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 13, 2023

KATANUNGAN
1. Nag-a-apply ako ngayon sa abroad pero ‘di ko sure kung makakaalis ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.
2. Maestro, maaari mo bang i-check ang aking palad? Kinakabahan kasi ako na baka mabiktima ako ng illegal recruiter kahit na relatives namin ang may-ari ng agency, nag-aalinlangan ako lalo na’t malaking pera na rin ang nailalabas ko.
3. Sa palagay mo ba Maestro, makakaalis ako at magiging maganda kaya ang buhay ko sa Israel bilang isang caregiver?
KASAGUTAN
1.Wala namang problema, sapagkat may malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang ang itatala sa iyong karanasan na madali at agad namang kinumpirma ng iyong lagda na bukod sa mahaba, tuluy-tuloy na gumuhit ng hindi napapatid ang mga dugtungan.
2. Dagdag dito, kapansin-pansin na ang iyong lagda o pirma ay umangat ring papataas na tila lumilipad sa langit. Malinaw na tanda na ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong kaisipan, ang posibleng magaganap sa hinaharap, isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang iyong mararanasan.
3.Habang ang zodiac sign mo namang Capricorn, ay nagsasabing susuwertehin kang makaalis sa buwan ng Abril o Mayo sa susunod na taong 2024.
MGA DAPAT GAWIN
1.Tunay ngang sa pag-a-apply sa abroad, hindi maiiwasang may minamalas at may sinusuwerte. At kung halimbawang matuloy ka sa pag-a-abroad at nasa ibang bansa ka na, ang nakakalungkot hindi mo pa rin matiyak o walang kasiguraduhan kung ano naman kaya ang magiging buhay o magiging karanasan mo sa bansang iyong napuntahan.
2. Ito ang kahalagahan kung bakit dapat ipasuri ang kaliwa at kanang palad, partikular sa Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) upang minsan pa ang mga pagsusuring ito ay maging gabay o garantsa sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat kung ito ba ay magiging mabunga o hindi.
3.Samantala, ayon sa iyong mga datos Eya, tiyak ang magaganap kung saan, hindi ka dapat kabahan at mag-aalala, dahil malaon na ngang nakatakda sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo sa edad mong 28 pataas.







Comments