top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg

Mga suspek, nakipagbarilan... PDEA agent, utas sa buy-bust operation

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 52 minutes ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 11, 2026



Buy-bust - PDEA Tawi-Tawi

Photo: PDEA Tawi-Tawi



Nagluksa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Mountain Province sa pagpanaw ng isa nilang intelligence agent na nasawi habang nagsasagawa ng buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Tawi-Tawi nitong Linggo.


Nagpahayag ng pakikiramay nitong Lunes, ang PDEA Mountain Province at buong hanay ng ahensya sa pagpanaw ni Intelligence Officer I Enfernie Jim Dayag.


Nasawi si Dayag sa buy-bust operation sa Mapanbubu, Brgy. Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi bago magbukang-liwayway noong Linggo.


Ayon kay Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson Capt. Steffi Salanguit, nanlaban at nakipagbarilan ang target ng operasyon na si Jimhar Jawadil, isang dating miyembro ng Abu Sayyaf Group na sumuko na sa pamahalaan.


Nagresulta ito sa halos 20 minutong palitan ng putok sa pagitan ni Jawadil at Lima pa nitong tauhan at mga operatiba.


Napatay sa engkuwentro si Jawadil, habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan na sina Antonio Jawadil, Nasser Jawadil, Abon Jawadil at dalawa pang hindi pa nakikilalang suspek.


Tatlong miyembro ng Philippine Marines, kabilang si Lt. Col. Richard Malabanan, ang nasugatan sa operasyon ngunit ligtas na sa panganib ang kanilang kalagayan.

Narekober ng mga awtoridad sa operasyon ang tinatayang P1.8 milyong halaga ng shabu at ilang matataas na kalibre ng baril.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page