top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga sikat na naging Sen., alam kayang ilegal ang pag-certify ni P-BBM bilang urgent ang MIF?!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 29, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 29, 2023


NAIINTINDIHAN KAYA NG MGA SENADOR NA WALANG ALAM SA BATAS ANG SINABI NI SEN. KOKO NA LABAG SA KONSTITUSYON NA I-CERTIFY NA URGENT BILL ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND?—Sinabi ni Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel na labag sa Konstitusyon ang pag-certify ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) bilang urgent bill ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil ang mga sini-certify lang daw na urgent bill ay may kinalaman lang sa public emergency o kalamidad na naganap sa bansa.


Maraming law experts ang sumang-ayon sa sinabi ni Sen. Pimentel at hindi natin alam kung ‘yung mga sikat na personalidad na naging senador na wala namang alam sa batas, ay kung naiintindihan ba nila ang sinabi ng senate-minority leader na labag sa batas na maging urgent bill ang MIF ni P-BBM, period!


◘◘◘


‘ESTATE TAX AMNESTY BILL’ REGALO NG MGA SEN. AT CONG. SA PAMILYA MARCOS?—Inaapura ngayon ng mga pro-Marcos senators and congressmen na maisabatas ang ‘Estate Tax Amnesty Bill’ bago sumapit ang State of the Nation Address (SONA) ni P-BBM sa Hulyo 2023.


Aba teka, bakit ba inaapura, ano ba ang ‘Estate Tax Amnesty Bill’, panregalo kay P-BBM at sa Pamilya Marcos?


Pabor na pabor kasi ang panukalang ‘yan kay P-BBM dahil kapag naisabatas ‘yan, wala nang puwedeng kumuwestyon sa P203-B utang sa estate tax ng pamilya Marcos, boom!


◘◘◘


IMBES PABABAIN NG GOV'T. ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN, MALAMANG NA TUMAAS PA ITO DAHIL APRUB ANG OIL PRICE HIKE—Ang panawagan ng mamamayan sa Marcos admin ay ibaba ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Pero imbes na pakinggan ang kahilingan ng publiko, ang Department of Energy (DOE) na nasa ilalim ng pamamahala ng Office of the President (OP), kahilingan ng mga kapitalista ang pinakinggan, kaya nagtaas na naman ng presyo sa mga produktong petrolyo.


Dahil d’yan, imbes na bumaba, tiyak tataas na naman ang presyo ng mga bilihin at bayarin. Ang lagi kasing kasunod ng oil price hike ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, saklap!


◘◘◘


KUNG AYAW UMAKSYON NG PNP, DAPAT ANG GAB NA ANG KUMILOS LABAN SA MGA RAKET NA COLOR GAMES AT DROP BALLS—Hanggang ngayon ay walang aksyon sina Laguna PD Col. Randy Silvio at Batangas PD Col. Pedro Soliba para ipa-stop ang raket na color games at drop balls nina ‘Aling Tessie,’ ‘Baby Panganiban’ at ‘Troy’ sa Laguna at Batangas, at dedma rin si city chief of police, Col. Glenn Lonogan sa mga ganitong uri ng raket nina ‘Edna’ at ‘Jimmy’ at ‘Nestor’ sa Magsaysay Road at Kayang Hill Top, at ang mini-casino ni ‘Patrick’ sa Legarda Road at Bokawkan Road, pawang sa Baguio City.


Kung walang gagawing aksiyon dito ang mga tauhan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, ang dapat nang umaksyon dito ay si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Richard Clarin, kasi kasama sa mandato ng GAB na labanan ang mga ganitong uri ng raket sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page