top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga senior na ‘ipinaglihi’ sa korupsiyon, out na sa gobyerno

BULGAR
Mar 30, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 30, 2022


GUMUGUHO na rin ang ekonomiya ng China kasabay ng kabuhayan sa Russia.


Posibleng giyera mundial ang kauuwian.


◘◘◘


World economic war ang nararanasan ng daigdig.


Apektado r’yan ang mga Pinoy.


◘◘◘


PINEPESTE ng Omicron virus ang China.


Maraming establisimyento rito ang paralisado.


◘◘◘


ILANG buwan na lamang si Digong sa Malacañang.

Lumilitaw na ang tunay niyang kaliskis.


Hindi siya maka-China, bagkus ay maka-US.


◘◘◘


INUNGGOY lang ni Digong si Xi Jin Ping.


Kopyahin kaya ‘yan ng susunod na pangulo ng Republika?


◘◘◘


TATAAS uli ang presyo ng petrolyo.


Sige lang, humihinga pa si ‘Juan’.


◘◘◘


MAAYOS pa ring nagpapadala ng dollar remittances ang mga Pinoy.


‘Yan ang gulugod ng ating ekonomiya.


◘◘◘


HINDI lang mineral deposits ang likas na yaman ng Pilipinas.


Ang ating likas na yaman ay “human resources”.


◘◘◘


BAGUMBAGO na ang kasalukuyang henerasyon.

Nabura na ang henerasyon sa nakaraang limang taon.


Ang problema, kakaunti ang nakakaunawa ng “new world order”.


◘◘◘


DAHIL sa giyera ng Russia at Ukraine, lalong mababago ang takbo ng pulitika, ekonomiya at sosyedad sa buong daigdig.


Maging ang US at Europe ay hindi nauunawaan ang mga nagaganap.


◘◘◘


ANG pananaw ng mga kabataan ay nagbago na.

Iba na rin ang moralidad ng mga tao.


Malayong-malayo na ang pagbabago kumpara sa panahon ng Hapon.


◘◘◘


DAPAT nang baguhin ang Konstitusyon at iangkop ito sa nagbago nang henerasyon.


Pero dapat ay kasama sa paglikha ng bagong Konstitusyon ang mga kabataang nasa edad 15 hanggang 45.


◘◘◘


IPAGBAWAL na ang mga matatanda o senior citizen sa gobyerno.


Ang kanilang henerasyon ay ‘ipinaglihi’ sa talamak na korupsiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page