top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga senador sa Comelec: Voter’s registration, i-extend

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Hinimok ng mga senador ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang voter’s registration hanggang sa katapusan ng Oktubre.


Laman ng Senate Resolution No. 851 ang hiling na palawigin ng isang buwan ang voter registration na nakatakdang magtapos dapat sa Sept. 30.


Anila, ito ay para mapigilan ang pagkait sa mga tao sa karapatang makaboto dahil sa COVID-19 pandemic.


Dagdag pa nila, hindi naman daw makaaapekto sa preparasyon ng Comelec ang extension ng registration dahil sa mga nakalipas na eleksyon ay bandang Oktubre o lagpas pa ng Oktubre ang ginawang deadline ng pagpaparehistro.


Halimbawa umano ay ang mga sumusunod:

* 2001- voter registration deadline Dec. 27, 2000

* 2004- voter registration deadline Oct. 31, 2003

* 2007- voter registration deadline Dec. 31, 2006

* 2010- voter registration deadline Jan. 9, 2010

* 2013- voter registration deadline October 31, 2012.

* 2016- voter registration deadline Oct. 31, 2015


Kinilala rin anila ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Comelec na magtakda ng deadline sa voter registration basta hindi lalagpas sa 120 days bago ang aktwal na halalan.


Ayon pa sa mga senador, mahalaga na palawigin pa ang voter registration dahil sa mga nasayang na panahon dahil sa suspensiyon bunsod ng pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page