top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga senador ngayon astang mag-aaral na maiingay at magugulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 20, 2023

MATAPOS PAKINABANGAN NI P-BBM ANG FAKE NEWS KAYA SIYA NAGING PRESIDENTE, NGAYON TODO-BATIKOS NA SIYA SA FAKE NEWS -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay walang puwang daw sa bansa ang mga fake news.


Pambihira naman, matapos pakinabangan ni P-BBM ang mga fake news noong presidential elections, mga pekeng balita na pumapabor sa kanya at nakakasira naman sa mga kalaban niya sa pulitika kaya siya naging presidente, tapos ngayon ayaw daw niya ito at binabatikos pa ang mga fake news sa social media, boom!


◘◘◘


MISTULANG MGA MAKUKULIT AT MAGUGULONG MGA BATANG MAG-AARAL SA CLASSROOM ANG ASAL NG ILANG SENADOR NGAYON -- Hindi lang sina dating Senators Franklin Drilon at Ping Lacson ang nakapuna sa magulo at maingay na Senado ngayon, kundi pati ang mga mamamayan.


Sa totoo lang, dahil sa magulo at maingay na Senado ngayon, ang tingin ng taumbayan sa ilang senador ay parang mga makukulit at magugulong mga batang mag-aaral sa loob ng isang classroom. He-he-he.


◘◘◘


KAPAG NAGKAROON NG ROLLBACK SA LANGIS SENTIMO LANG ANG IBINABABA, KAPAG NAGTAAS NAMAN NG PRESYO HIGIT PISO -- Nagkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kaya lang, sentimo lang ang ibinaba.

Ganyan "kabuwitre" sa kuwarta ang mga oil companies, na kapag nagtaas ng presyo ay higit piso, minsan umaabot pa ng higit P3, pero kapag nag-rollback, sentimo lang, buset!


◘◘◘


CUSTOMS COMM. RUBIO 'NGANGA' NA SA AGRI-SMUGGLING, 'NGANGA' DIN SA 'UKAY-UKAY' SMUGGLING NI 'MR. TEVES'-- Bukod sa patuloy na pamamayagpag ng agri-smuggling ay namamayagpag din uli ngayon ang "ukay-ukay" smuggling ni "Mr. Teves" sa Customs.


Sa totoo lang, isa si "Mr. Teves" sa mga astig na smuggler sa Adwana, kasi sa kabila na ipinagbabawal sa batas na makapasok ang mga used clothes o "ukay-ukay" ay patuloy pa ring naipupuslit ang mga kargamentong ito papasok sa ‘Pinas, at ewan naman dito kay Customs Comm. Bienvenido Rubio, kung bakit "nganga" na siya sa agri-smuggling ay "nganga" rin siya sa "ukay-ukay" smuggling, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page