by Info @Editorial | Oct. 21, 2024
Talamak na talaga ang scam. Lahat ng pagkakataon na makapanloloko para sa pera ay gagawin ng mga sindikato.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Securities and Exchange Commission (SEC) na katuwang sila ng law enforcement bodies ng pamahalaan para habulin ang mga scammer ganundin ang pagbuwag sa mga illegal gaming hub sa bansa.
Sa parte umano ng SEC, sila ang nagre-revoke sa mga lisensya ng ilang kumpanyang nagpapagamit sa illegal gambling operators o kahit ang mga may SEC registration ngunit sangkot sa scam.
Ibinalita rin na unti-unti nang nababawasan ang mga scam at iba pang modus na dating namayagpag at nakapambiktima ng marami, bago pa man ang pandemic. May mga naipakulong na rin na mga scammer at naipasarang mga kumpanya na pinatatakbo sa ilegal na pamamaraan.
Kung patuloy ang pagtugis at pagbuwag sa mga scam at illegal gaming hubs, mababawasan ang krimen.
Panahon na para matapos ang talamak na panloloko at iba pang ilegal na gawain na marami nang kabuhayan at buhay na nawasak.
Comments