top of page

Pag-aangkas ng bata sa motor, stop

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 6, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi laruan ang kalsada, at lalong hindi dapat isinasama sa panganib ang mga bata. 

Sa kabila ng mga umiiral na batas, marami pa ring magulang ang patuloy na nagsasakay ng maliliit na bata sa motorsiklo kahit malinaw na delikado ito.


Madalas makita ang isang motorsiklo na may tatlo o apat na sakay, kabilang ang batang halos hindi pa abot ang paa sa foot peg at wala pang suot na helmet. 


Isang biglang preno, lubak sa daan, o banggaan lamang ay maaaring magdulot ng matinding pinsala o pagkamatay. Sa ganitong sitwasyon, ang mga bata ang unang nagiging biktima.


Hindi sapat ang dahilan na “walang ibang sasakyan” o “malapit lang naman.” Ang kaligtasan ng bata ay hindi dapat isugal dahil lamang sa kaginhawaan o kakulangan sa disiplina. Responsibilidad ng mga magulang na protektahan ang mga anak, hindi ilagay sa panganib.


Panahon na upang higpitan ng mga otoridad ang pagpapatupad ng batas laban sa delikadong pag-aangkas ng bata sa motorsiklo. 


Kailangang maging mas mahigpit ang pagbabantay at parusa upang matigil ang ganitong gawain.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page