top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga sangkot sa ilegal na droga, magbago na kayo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2021
  • 1 min read

@Editorial | March 16, 2021



Grabe na ang pagkalat ng COVID-19 pero, mas matindi pa rin ang pamamayagpag ng mga sangkot sa ilegal na droga.


Kamakalawa, nasa P20.4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa Jolo, Sulu. Araw-araw din ang buy-bust operations sa Metro Manila at palaging may mga nahuhuling tulak. Hindi lang basta nagbebenta ng droga, karamihan sa kanila ay ito ang ginagawang sideline.


Katuwiran nila, kapos ang kinikita ngayong may pandemya at kailangan daw magdoble-kayod, rumaket at kumapit sa patalim.


Pero, hindi lang ito ang puwedeng pagkakitaan kung talagang may konsensiya tayo bilang tao.


Batid naman natin ang masamang naidudulot ng ipinagbabawal na gamot sa katawan at pag-iisip. Sa halip na maging matatag ay lalo lang nitong ibinabaon ang isang tao sa bisyo hanggang sa tuluyan nang mawala sa tamang landas.


Kaya nananatiling hamon sa mga awtoridad na kasabay ng laban sa COVID-19 ay ang war on drugs. Kumusta na nga ba ang giyera laban sa mga drug lord, sa mga supplier na walang patawad kahit lockdown ay nakakapuslit? Ganundin sa mga tulak na nakakaraket sa mga eski-eskinita. Kung hindi pa nasisita sa face mask ay hindi pa mahuhuling nagbebenta pala ng droga.


Maawa tayo sa ating bayan, sa halip na nakatuon tayo sa COVID-19 pandemic ay sumasabay pa ang walang katapusang problema sa droga.


Kung hindi na kinakaya ng mga awtoridad ang sabay-sabay na gawain, tayong mamamayan ay dapat nang tumulong. Napakalaking bagay na kung sisimulan natin sa pamilya ang pagbabantay. Huwag nating hayaan na may isang miyembro na maimpluwensiyahan ng anumang ilegal ng gawain at ganundin sa ating komunidad.


Wala ng ibang magtutulungan kundi tayo hanggang sa malampasan ang lahat ng ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page