Mga sakiting preso sa Bilibid, buhay na buhay, high profile inmates, natodas sa COVID-19?!!!
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 22, 2020
IMBES NA MAMIGAY NG FACE MASK, GUSTO NG DUTERTE GOV’T. NA IPAHIYA AT HULIHIN ANG MGA WALANG SUOT NITO—Matapos sabihin ni DILG for Barangay Affairs Usec. Martin Dino, na dapat ipahiya sa publiko ang mga mahuhuling walang suot na face mask, ipinag-utos ni P-Duterte sa Philippine National Police (PNP) na hulihin din ang mga hindi nagsusuot nito.
Pambihira, imbes na pakinggan ang payo ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng IATF (Inter-Agency Task Force) na magpamahagi ang gobyerno ng libreng face mask dahil karamihan sa mamamayan na mahirap ay walang kakayahang bumili nito, eh, ang gusto pa ng pangulo at DILG usec. ay dakpin at ipahiya ang mga ito, buwisit!
◘◘◘
GOBYERNO, MALABONG MAGBIGAY NG TRABAHO NGAYON—Nanawagan si Sen. Joel Villanueva kay P-Duterte na ihayag nito sa kanyang SONA (State of the Nation Address) ang mga gagawing aksiyon ng pamahalaan kung paano mabibigyan ng trabaho ang milyun-milyong Pinoy na nawalan ng hanapbuhay matapos magsara ang napakaraming kumpanya dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Parang suntok sa buwan ang panawagan ni Sen. Villanueva kay P-Duterte, nagtatanggal nga ng trabaho ang Duterte gov’t. nang ipasara ang ABS-CBN, eh, magbibigay pa kaya? Boom!
◘◘◘
IBA ANG NAWALAN NG TRABAHO SA TINANGGALAN NG TRABAHO—Sinasabihan ng mga DDS ang mga nagpu-protestang ABS-CBN workers na mag-move on na raw kasi hindi lang sila ang nawalan ng trabaho, dahil milyon-milyon ang nawalan ng work sa panahon ng pandemya.
Ganu’n? Aba, gusto nating isalpak sa kukute ng mga DDS na magkaiba ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang mga pinapasukang kumpanya, sa mga tinanggalan ng trabaho dahil isinara ang kanilang kumpanya, tulad nang pagpapasara ng Duterte gov’t. sa ABS-CBN, period!
◘◘◘
KATAKA-TAKANG ANG MGA ASTIG NA PRESO SA BILIBID AY NAMATAY SA COVID-19, PERO ANG MGA SAKITING PRESO, BUHAY—Kuwestiyonable ang napabalitang namatay at nai-crimate na ang high profile inmates sa Bilibid kabilang si Jaybee Sebastian at iba pang Chinese drug lord.
Mantakin n’yo, ang daming matatandang sakitin na preso sa Bilibid ang hindi namatay sa COVID-19, tapos ang mga astig na preso sa Pambansang Piitan ay namatay daw sa COVID-19, kataka-taka!





Comments