Mga reklamo ng panloloko sa online transactions, aksiyunan agad!!!
- BULGAR

- Nov 12, 2020
- 1 min read
@Editorial | November 12, 2020
Habang umuusad ang panahon, mapapansing nagiging mas madali ang ating pamumuhay, sa tulong na rin ng teknolohiya. ‘Ika nga, isang click lang, okay na.
Gayunman, sadyang hindi maiwasan na magkaroon pa rin ng problema. Ang mahirap, ‘pag itong problema ay naging paulit-ulit at hindi na nakakatuwa.
Ang tinutukoy natin ay itong mga online transactions na talagang malaki ang naitutulong lalo na ngayong pandemya at may mga kalamidad pa.
Ito ang inaasahan nating magpapabilis ng ating mga gawain at agad na makatutugon sa ating mga pangangailangan.
Gayunman, tulad ng binanggit natin, may mga problema na dulot na ng kapalpakan at kawalanghiyaan.
Sa hearing sa House committee on trade and industry, lumabas na halos 15,000 ang natanggap na reklamo sa online transactions mula Enero hanggang noong katapusan ng Oktubre. Mas marami umano kumpara noong mga nakaraang taon. Mas mataas ito kumpara sa 2,457 noong 2019; 1,451 noong 2018; 848 noong 2017; at 522 noong 2016.
Karamihan sa mga reklamo ay may kinalaman sa presyo, depektibong produkto at panloloko o pandaraya. Ganundin ang pangit na serbisyo, mga isyu sa advertising at sales promotion, kalidad ng produkto at billing. Mga problema na tila hindi nagagawan ng aksiyon kaya hanggang ngayon ay may mga nabibiktima pa rin.
Panahon na para matutukan ang isyung ito lalo’t bahagi na rin ito ng tinatawag na ‘new normal’. Mas marami na ang umaasa sa online transactions para makaiwas sa sakit at walang kamatayang trapik.



Comments