Search
  • BULGAR

Mga raket sa Customs, tuloy pa rin kahit nananalasa ang COVID-19 sa bansa, tsk!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 29, 2020



DAHIL SA MGA FAKE NEWS NA IBINABATO KAY VP LENI, SUNUD-SUNOD NA ANG MGA ATAKE NIYA SA DUTERTE GOV’T.—Sunud-sunod na pagbatikos ang ginagawa ni Vice-Pres. Leni Robredo sa mga pagkukulang ng Duterte gov’t. kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng Coronavirus Disease 2019 sa bansa.


Kasalanan ng mga DDS ang mga pagpuna ni VP Leni sa mga kapalpakan ng Duterte gov’t. kasi nakatutok lang naman ang bise-presidente sa pagtulong sa mga kababayan natin sa panahon ng krisis, tapos ginagawan pa siya ng fake news ng mga tagasuporta ng Pangulo.


Natural, dahil ayaw maglubay ng mga DDS bloggers sa paggawa ng mga fake news laban kay VP Leni, kung kaya’t ang niresbakan nito ay ang mga sablay ng Duterte gov’t. sa panahon ng krisis, boom!

◘◘◘


IMBES NA TULUNGAN, PINALALABAS PA NI SEC. BELLO NA SINUNGALING ANG MGA OFWs—Sabi ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi dapat paniwalaan na may mga OFWs na naghahanap ng makakain sa mga basurahan at nagbebenta ng dugo para mabuhay sa Saudi Arabia.


Ganu’n? Aba, nag-viral na sa social media ang mga OFWs na ‘yan na namumulot ng makakain sa basurahan at nagbebenta na ng dugo, ayaw pa rin paniwalaan ni Sec. Bello?


Pambihirang DOLE secretary ito, imbes na tulungan na lang ang mga OFWs na nakakaranas na ng hirap sa ibang bansa, tila pinalalabas pa niyang sinungaling ang mga ito, pwe!


◘◘◘

KAHIT NANANALASA ANG VIRUS, TULOY PA RIN ANG RAKET NG MGA SMUGGLERS SA CUSTOMS—Hindi lang daw ang raket na “ukay-ukay” smuggling nina “Nanie” at “Cortez” ang namamayagpag sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP), kundi pati ang general merchandise smuggling ni “Maya” at rice smuggling ni “Jojo” sa Bureau of Customs.


Grabe, ha? Kahit patuloy ang pananalasa ang COVID-19 sa bansa, pero tuloy pa rin ang raket na smuggling sa Customs, mga buwisit!


◘◘◘


PNP, MAGALING LANG MANGHULI NG MGA LUMABAG SA ANGKAS SA MOTORSIKLO, PERO “NGANGA” SA RAKET NG MGA ILLEGALISTA—Noong June 17, 2020, inaresto ng mga pulis-Pangasinan ang mag-amang Pedro at Paulo Munez na ang kasalanan ay magkaangkas sa motorsiklo para pumasok sa trabaho, pero ang mga gambling lords na sina “Tony Ong” at “Fajardo” na may raket na “perya-con jueteng” sa lalawigang ito ay hindi magawang dakpin ng mga awtoridad.


Isa ‘yan sa mga patunay na kapag mahirap, kaunting pagkakasala lang ay kulong agad, pero ang mga maiimpluwensiyang gambling lords, kahit nanraraket na ay “nganga” lang ang pulisya, pwe!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.