Mga PUV sa NCR, sapat sa mga komyuter

ni Angela Fernando @News | June 2, 2024

Nagpahayag si Transportation Sec. Jaime Bautista na sapat ang mga pinagsama-samang public utility vehicle (PUVs) na tumatakbo sa Metro Manila, mahigit isang buwan matapos ang deadline ng konsolidasyon.
Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo, sinabi ni Bautista na 80% ng mga operator at driver ng mga PUV ang sumali sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP), batay sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“Merong mga rutang kailangan sigurong bawasan yung vehicles kasi napakarami [sa bawat ruta],” saad ni Bautisa. Sinabi rin ni Bautista na ang departamento ng transportasyon, ang LTFRB, at ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nagtutulungan sa pagbuo ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).





Comments