top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Mga pulis na adik sa tiktok at vlog, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 11, 2023



Marami na ang nahuhumaling sa social media. Totoo naman kasi na nakakalibang at puwede pang pagkakitaan.


Ang problema, may mga nakakalimot na sa mga gawain o trabaho.


Katulad ng napaulat na ilang kapulisan sa Western Visayas na nawiwili sa TikTok at vlog kahit oras umano ng duty. Kaya mahigpit na ipinag-utos sa mga pulis na bawal na ang pagbababad sa socmed habang nasa trabaho.


Nararapat lang na pagbawalan ang mga pulis sa paggamit sa social media habang sila ay naka-duty dahil hindi sila makakapagpokus.


Sa panahon ngayon na talamak ang krimen at namamayagpag ang mga manloloko, kailangang bantay-sarado at hindi patulug-tulog sa pansitan at lalong hindi nakangudngod sa cellphone ang mga alagad ng batas.


Bagama’t nilinaw naman na maaari pa ring gumamit ng socmed kung may kaugnayan ito sa kanilang assignment lalo na ang mga nasa police community relations.


Sana hindi lang sa Western Visayas gawin ang ganitong kautusan dahil talamak at nagkalat din ang mga pasaway na pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page