top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga Pinoy nagkandahilo na sa kahahanap, ibinidang murang bilihin ni P-BBM, wala!!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 28, 2023


P-BBM, PINUPUTAKTI NG BATIKOS KASI MGA NETIZENS WALANG MAKITANG MURANG PRESYO NG MGA BILIHIN — Pinuputakti ngayon ng batikos ng netizens si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kaugnay sa ibinida niya sa kanyang SONA (State of the Nation Address) na napababa na raw ng kanyang administrasyon ang presyo ng bigas, karne, isda, gulay at asukal.


Ayon kasi sa mga post at comment ng netizens ay nagkandahilo na raw sila sa paghahanap ng murang bilihing pagkain sa mga merkado ay wala naman daw silang makitang murang presyo.


At dahil fake news ang ibinida ng Presidente, natural lang na makakatikim talaga siya ng pambabatikos sa social media, period!


◘◘◘


'BAGONG PILIPINAS' CAMPAIGN, SABLAY! — Sablay ang 'Bagong Pilipinas' campaign ng Marcos admin kasi kaliwa't kanang batikos ang inaabot ngayon ni P-BBM, tulad ng fake news sa murang bilihin, pag-apruba ng P500 billion Maharlika Investment Fund, pagbibigay ng puwesto kay Larry Gadon sa gobyerno, pagpapalit ng mga logo at slogan ng mga sangay ng pamahalaan, "ningas-kugong" kampanya laban sa mga agri-smugglers, mataas na bayarin sa kuryente, tubig, dagdag-toll fee sa NLEX, madalas na foreign trips at patuloy na pangungutang sa mga financial institution sa mundo, naglalakihang confidential, pork barrel funds at iba pang isyu.


Kaya ang tanong: "'Yan bang mga kapalpakan at mga pahirap sa mamamayan ang simbolo ng ibinabandera ng Marcos admin ngayon na 'Bagong Pilipinas'?" Buset!


◘◘◘


BANTANG PAGRE-RESIGN NI SEN. PADILLA, BOLADAS LANG —Sinagot ni Sen. Robin Padilla ang mga pumuna sa kanya patungkol sa kakaibang style ng paglagay niya ng kanang kamay sa dibdib na nakahintuturo habang inaawit ang Lupang Hinirang sa SONA ni P-BBM, na ayon sa senador ay simbolo raw ito ng "Kalima La ilaha ilalah" ng mga tulad niyang Muslim, at kung lagi daw siyang pupunahin dito ay magre-resign na lang daw siya bilang senador dahil hindi raw niya ipagpapalit ang kanyang pananampalataya sa pagiging pulitiko.


Sa totoo lang, boladas lang ni Sen. Padilla ang sinabi niyang magre-resign siya kapag laging pinupuna ang istilo ng kanyang kamay o daliri sa national anthem, kasi sinabi na rin niya noon na kapag walang nakuhang suporta ang kanyang Charter Change (ChaCha) ay magre-resign daw siya, pero nang walang makuhang suporta, eh hindi naman siya nag-resign, boom!


◘◘◘


EX-P-DUTERTE, IDOL NI SEN. PADILLA SA PAGSASABI NA MAGRE-RESIGN — Idol talaga ni Sen. Padilla si ex-P-Duterte, kasi ang dating Presidente ay maraming beses din magsabi noon kapag nababatikos siya na magre-resign siya, pero hindi naman nag-resign.


Sa ngayon ay dalawang beses nang nagsabi si Sen. Padilla na siya ay magre-resign, kaya't ang tanong: Hanggang sa matapos ang termino niya sa year 2028, ilang beses kaya siya magsasabi na siya ay magre-resign sa pagka-senador? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page