top of page
Search

Mga Pinoy, may ‘K’ para sa disenteng pabahay

BULGAR

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 26, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Memorable ang pangatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos nitong nakaraang Lunes.


Marami ang natuwa sa desisyon niyang ipagbawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), maging sa pagbibigay-diin niya sa pagtindig para sa mga karapatan natin sa West Philippine Sea.


Pagdating sa universal healthcare, bagama’t malayo pa tayo sa nais nating makamit, magandang balita ang nasimulang mga programa sa pagpapalawak pa nito. 


Bilang dating chairperson ng Committee on Tourism ng Senado, natutuwa rin tayo sa pagbanggit ng Pangulo sa ‘experiential tourism’ lalo pa’t iba’t ibang karanasan ang maiaalok natin sa mga bisita ng bansa.


☻☻☻


Medyo nakulangan lang tayo sa update pagdating sa housing. Ilang porsyento na ba ang nabawas sa housing backlog? Kumusta ang roadmap sa programang pabahay?

Karapatan ng ating mga kababayan ang access sa disenteng pamamahay, kaya sana ay bagama’t hindi ito nabanggit sa SONA, patuloy pa ring magsusumikap ang pamahalaan na mapunan ang housing backlog.


☻☻☻


Makakaasa ang mga kababayan natin na makikipagtulungan tayo sa executive branch para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

Sama-sama tayong umasa para sa mas magandang kinabukasan para sa lahat.


☻☻☻


Nakikiramay tayo sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina sa buong bansa.

Nalubog sa baha ang Metro Manila at marami pang lugar.


Habang hindi pa natin lubos na naitatala ang pinsala at dami ng naapektuhan, umasa tayo na walang tigil ang pamahalaan upang maipaabot ang tulong sa mga nangangailangan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page