Mga Pinoy, happy bago maupo si P-BBM, ngayon malungkutin na sa buong mundo
- BULGAR
- Nov 4, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 4, 2023
HAPPY MGA PINOY SA PANAHON NINA NOYNOY AT DIGONG, NAGING MALUNGKUTIN NA SA PANAHON NI P-BBM -- Sa panahon na sina ex-Pres. Noynoy Aquino at ex-Pres. Digong Duterte pa ang lider ng Pilipinas, kapag naglabas ng survey ang Gallup Research Firm ay laging kasama ang mga Pilipino sa datos na mga masayahing tao sa mundo, pero sa panahon ngayon ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), sa survey ng research firm na ito ay kabilang na ang mga Pinoy sa mga malungkuting tao sa mundo. Sa bawat 10 Pilipino, ay anim daw ang nagsasabing sila ay malungkot.
Magiging malungkutin talaga ngayon ang buhay ng mga Pilipino, kasi bukod sa hindi natupad ang campaign promise ni P-BBM na iaahon sa kahirapan ang mga Pinoy ay hindi rin natupad ang campaign promise ng Presidente na P20 per kilo ng bigas, boom!
◘◘◘
BUTI NA LANG TINANGGALAN NG KONGRESO NG CONFI FUND ANG DA, KASI KUNG HINDI BAKA HANGGANG NGAYON SI P-BBM PA RIN DA SEC. -- Sa wakas, binitiwan na ni P-BBM ang pamumuno sa Dept. of Agriculture (DA), at ang napili niyang gawing DA secretary ay ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel.
Buti na lang tinanggalan ng Kongreso ng confidential fund ang DA, kasi kung inaprub ng mga kongresista ang confi fund ng DA, ay baka hanggang ngayon si P-BBM pa rin ang DA sec., he-he-he!
◘◘◘
INILALAGAY NG COMELEC SA PANGANIB ANG BUHAY NG MGA GURO KADA ELEKSYON, TAPOS PAKUNSUWELONG “OT” AYAW MAGBIGAY SA MGA TITSER -- Inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na hindi sila magbibigay ng overtime pay sa mga guro na nagsilbing electoral board members dahil hindi naman daw empleyado ng Comelec ang mga titser.
Pambihira namang katuwiran ‘yan kasi inilalagay ng Comelec sa panganib ang buhay ng mga guro na inaabot ng gabi hanggang madaling-araw at hanggang sa matapos ang bilangan, tapos konting pakunsuwelong OT, ayaw magbigay sa mga titser, tsk!
◘◘◘
DAGDAG PAHIRAP SA MAMAMAYAN LAGING APRUB SA MGA APPOINTEE NI P-BBM SA ERC AT TRB -- Matapos iaprub ng Energy Regulatory Commission (ERC) last month (October) ang dagdag-taas sa singil sa kuryente ng Meralco, ngayong buwan naman ng Nobyembre ay inaprub din ng Toll Regulatory Board (TRC) ang dagdag-bayad sa South Luzon Expressway (SLEX) at Muntinlupa-Cavite Expressway.
Itong mga appointee ni P-BBM sa ERC at TRB, wala nang inatupag ang mga ito kundi pahirapan o bigyan ng dagdag-dusa ang mamamayan, mga buset!





Comments