top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga pelikulang anti-Aquino at anti-Marcos, dahilan kaya walang unity ang mga Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 26, 2023


BUTI PA SI P-BBM, HINDI LANG MAKATULOG, PERO ANG 3-M PAMILYANG PINOY AY HALOS HINDI MAKAKAIN SA TAAS NG INFLATION RATE — Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), halos hindi na siya makatulog sa patuloy na pagsirit ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.


Buti pa si P-BBM, hindi lang makatulog sa taas ng inflation rate, pero ayon sa survey ng SWS, ang mahigit 3 pamilyang Pinoy ay halos hindi na makakain, nakakaranas ng matinding gutom dahil sa sobrang mahal ng presyo ng mga bilihing pagkain, tsk!

KAPAG ANG BANSA AY MALAGO EKONOMIYA, GUMAGANDA BUHAY NG KANILANG MAMAMAYAN, SA ‘PINAS, LUMAGO RAW EKONOMIYA PERO DAMI PA RIN NAGUGUTOM — Ayon kay P-BBM, Pilipinas ang may pinakamalagong ekonomiya, hindi lang sa Asia-Pacific, kundi sa buong mundo.


Aba’y kung totoo ‘yan, onli in da ‘Pinas lang na sobrang lago ang ekonomiya, pero marami ang nagugutom.


Sa totoo lang, ang mga bansang malago ang ekonomiya, ang nabibiyaan nito ay kanilang mamamayan kasi gumaganda kanilang pamumuhay, walang nagugutom. Pero sa ‘Pinas, lumago raw ekonomiya, pero milyon-milyon pa rin naghihirap at nagugutom, period!

HANGGA’T MAY MGA PELIKULANG ANTI-AQUINO AT ANTI-MARCOS, MALABONG MAGKAISA MGA PINOY — Kung nais talaga ni P-BBM na magkaisa ang mga Pilipino o magkaroon ng unity sa ilalim ng kanyang administrasyon, dapat pagsabihan nita si Marcos loyalist Direk Daryll Yap na tigilan ang paggawa ng mga pelikulang nakakasira sa pamilyang Aquino, lalo kay former Sen. Noynoy Aquino.


Rumeresbak din kasi ang mga dilawang direktor tulad nina Direk Joel Lamangan at Direk Vince Tanada sa paggawa ng pelikulang nakakasira rin sa pamilyang Marcos, lalo na kay former Pres. Ferdinand Marcos Sr. bilang pangontra sa mga pelikulang anti-Aquino ni Direk Yap, na nagdudulot ng pagkakawatak-watak at pagbabangayan sa social media ang mga Pinoy na maka-Marcos at maka-Aquino, tsk!

GOOD NEWS: PRESYO NG SIBUYAS BUMABA NA, AT BAD NEWS; ITLOG NAMAN TUMAAS PRESYO — Good news: Ngayong dumating na ang mga imported onions sa Pilipinas, bumaba na ang presyo per kilo ng sibuyas, pero may bad news pa rin, dahil ngayon ang presyo per piraso naman ng itlog ang tumataas ang presyo.


Ganyan ang sitwasyon ngayon sa ‘Pinas, kung may good news, tiyak na may bad news din, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page