Mga paraan para yumaman ang taong uno
- BULGAR
- May 3, 2023
- 3 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 3, 2023
Dear Maestro,
Gusto kong malaman kung ako ba ay yayaman? Bata pa lang ako, pangarap ko na talagang yumaman. Matutupad ba ito at sa paanong paraan? August 10, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Althea ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Althea,
Hindi ka yayaman dahil bihira sa mga Taong Uno (1) ang yumayaman, maliban na lang kung makakapag-asawa ka ng lalaking isinilang sa petsang 8, 17, 26 o 9, 18 at 27, at pagkatapos ay pagtitiisan mo ang strong o masamang ugali ng iyong asawa o magtitiis kang makisama sa kanya. Sa ganu’ng paraan yumayaman ang mga Taong Uno na tulad mo —sa pagtitiis.
Dagdag pa rito, si Bill Gates ay Taong Uno rin, siya ay isinilang noong October 28, 1955.
Ibig sabihin, si Bill Gates ay may birth date na 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) sa destiny number na 4 (10+28+1955=1993/ 19+93=112/ 11+2=13/ 1+3=4) at zodiac sign na Scorpio.
Si Bill Gates ay isa sa pinakamayamang nilalang sa buong daigdig. At para yumaman ka tulad ni Bill Gates, dahil ikaw ay Taong Uno rin, tulad ng nasabi na sa itaas, makipagkaibigan ka sa mga taong naiimpluwensyahan ng planetang Saturno at Mars, tulad nilang mga isinilang sa petsang 8, 17, 26, 9, 18 at 27.
Gayundin, yayaman ang Taong Uno sa pamamagitan ng praktikal na desisyon. Halimbawa, may nanliligaw sa iyong mayaman, kahit hindi mo masyadong mahal, sagutin mo siya agad.
Puwede rin ang biglang pagtama ng jackpot sa lotto, ‘yan pa ang isang nagpapayaman sa mga Taong Uno at Taong Kuwatro (4), bigla silang nananalo ng malaking halaga sa lotto, pero kadalasan ay nauubos din nila ang kanilang napanalunan sa kahit ano’ng uri ng number games o sugal, dahil tipikal na bulagsak at magastos ang mga Taong Uno at Taong Kuwatro na tulad mo.
Pero ‘yung yaman na tulad ng mga Taong Otso (8) at Taong Singko (5) ay imposibleng maabot ng mga Taong Uno. Wala kasi silang sipag, tiyaga, at hindi marunong magtiis, kaya hindi nila kayang abutin ang inabot na yaman ng mga nabanggit na tao, maliban na lang kung ang birthday ng Taong Uno ay eksaktong Oktubre 28, na siyang birthday ng bilyonaryong si Bill Gates o Enero 28 ang birth date, na siya namang eksaktong birthday ng isa pang bilyonaryong si Carlos Slim Helu.
Ang nangyayari kasi kadalasan, para sa mga Taong Uno, ang buhay ay masaya at mananatiling masaya. Gayunman, ang mga Taong Uno at Taong Kuwatro lamang ang may likas at pambihirang suwerte na hindi nakakamit ng ibang numero. Ang suwerte nila ay kakaiba dahil palagi silang pinagpapala ng tadhana dahil sa kanilang idelohiya sa buhay — ang maging laging masaya ang lahat ng taong nakapaligid sa kanila.
Kaya kapag ang isang Taong Uno ay nalungkot, ganundin ang Taong Kuwatro na ang makakatulad nila ay para na lamang yagit o basura na pakalat-kalat sa kalye.
Ito ang dahilan kaya hindi sila yumayaman nang sobra, naghahanap kasi sila ng saya at masayang buhay na gusto talaga nila, salungat sa buhay ng Taong Otso at Taong Singko na ‘di bale nang malungkot, walang kaibigan, lipunan, basta maraming pera.
Hindi ganu’n ang Taong Uno at Taong Kuwatro dahil para sa kanila, ‘di bale nang walang pera, walang gaanong materyal na accomplishment, basta ang mahalaga ay masaya sila.
Kung ikaw ay isang Taong Uno at simula ngayon ay ipaprayoridad mo ang pagyaman kaysa sa saya. Iprayoridad mo ang pagpapakumbaba kaysa sa kayabangan, iprayoridad mo ang materyal na bagay kaysa sa mga kaibigan at tiyak ang magaganap, hindi pa huli ang lahat, Althea, kapag nagawa mo ang mga simpleng mungkahi sa itaas, madali at tuluyan na ring matutupad ang iyong pangarap — sa taong 2032 at sa edad mong 43 pataas, mayamang-mayaman ka na.




Comments