Mga paraan para tumibay ang friendship
- BULGAR

- Feb 4, 2021
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 4, 2021

Dumaraan ang panahon, lahat tayo ay nagkakaroon ng pag-iibayo sa ugali. Dahil mula sa ating pagkabata ay si beshy na ang iyong laging kasama. Pero habang kayo ay lumalaki ay nag-iiba na ang pananaw at ugali, na iyong iba ay may mga inaasikaso nang mga anak, may pamilya na, busy na ang iba sa career, dinadala na ng kanilang mga asawa sa malayo, ang iba ay single pero nasa malayo nakatira.
Masaya ang pagkakaibigang laging may reunions pero sa ngayon ay sa virtual na lang muna o chatting muling magkikita-kita, may mga tsismisan, makita ang isa’t isa at mabalitaan kung paano nagbago. Pero kung sa buong buhay natin ay sila pa rin ang mga taong ating kasama, dito na natin mapapansin kung anong kalidad ng friendships mayroon tayo, ang kanilang impluwensiya sa ating buhay na parang higit pa sa kapatid.
Okey lamang kung sila pa rin ang mga taong close sa iyo, pero may iba’t ibang kalidad ng friendships at iba’t ibang uri ng relasyon ang naghahatid sa atin ng pag-iibayo sa buhay.
ILANG PARAAN UPANG UMIBAYO ANG KALIDAD NG FRIENDSHIPS:
1. Ang responsibilidad ay isang mahalagang parte ng friendship. May ilang tao na nakakasalamuha mo dahil sa tradisyonal, loyalty at closeness. Sila ang mga taong kilala mo na sa buong buhay mo, kaysa sa iba. Pero ang koneksiyon at alaala ay isang bagay na nababawasan kung minsan. Ang positibong impluwensiya ay mahalaga, pero kung ang isang tao sa nakaraan ay negatibo o hindi mapagsuporta, oras na para hindi sila ang taong taong dapat mang-impluwensiya sa’yo.
2. Ang isang good friends ay dapat handang makinig at rumespeto sa iyong mga alalahanin at may malasakit sila kapag kailangan mo ng suporta. Ang taong nakauunawa na kailangan mong may makinig sa’yo o iyong napakikinabangan mo ang kanilang payo ay mahalaga. Iyong hindi ka tensiyunado at hindi ka hinuhusgahan sa iyong ugali o pintas ay mahalagang kalidad ng friendship. Ang quality friends ay nariyan kapag kailangan mo sila.
3. Ang kompromiso ay mahalaga sa relasyon. Ang iyong mga ideya ay dapat napapakinggan, ang iyong mungkahi ay pinahahalagahan at ibinubulalas.
Kung ang kaibigan ay hindi interesado sa aktibidad, bago mong ideya, mga bagay na iyong iminumungkahi, maaaring oras na para makakilala ka ng iba na mas kasundo mo.
4. Ang kumpiyansa ay dapat umibayo para makasakay ka sa pagbabago at okey sa iyo. Ang isang grupo ay dapat masaya, komportable sa kanilang mga ginagawa.
Kailangang kumpiyansa ka sa grupo mo na masasabi mo ang iyong opinyon at mga kagustuhan.
5. Ang bagong kaibigan ay dumarating mula sa trabaho, o nakilala lang sa isang okasyon. Sila ang mga mapagtanggap, positibong tao sa buhay. Nage-enjoy din sa oportunidad na sumubok ng bagong atkibidad na gaya mo.
Mahalaga na may oras ang kaibigan na pahalagahan ang relasyon. Kahit na pagkapehin ka lang niya o ilibre ng lunch.
6. Ang magawa ninyo pareho ang mga bagay na ikinasisiya ninyo pareho ay mahalagang commitment na sa sarili at kalidad ng buhay. Ang isang good friends ay dapat binibigyang atensiyon. Sila ang mga taong nagmamalasakit, nagbibigay payo, nakauunawa kung saan ka nanggaling, mga bagay na nagpapasiya sa iyo o nagpapalungkot.
Ang mga taong totoo ang loob na may pareho mo ring best interes sa puso ay espesyal. Kahit na hindi ka sang-ayon sa kanila o hindi na sundin ang kanilang payo, basta nirerespeto ka pa rin at nanatiling kaibigan ay senyales ng kalidad ng relasyon, isa siyang tunay na kaibigan.
7. Ang positibong relasyon ang sumusuporta sa iyo at natutulungan ka para umibayo sa buhay. Kapag napapaligiran ka ng mga taong mula sa iba’t ibang parte ng buhay, may nasasandalan kang mga mahalagang tao sa buhay.
Mga taong kabahagi mo ng iyong mga pangarap, malasakit, unawa, anuman ang isyu. Ang ilan ay maaaring mga nagdaan nang kaibigan o kaya iyong mga bago pa lang dumating sa buhay mo.
Ang pagkakaroon ng oras at espasyo sa buhay para sa kalidad na kaibigan ay napakahalaga.








Comments