top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga pahiwatig na relihiyosa ang mapapangasawa pero ‘di mahilig sa bata

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 4, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeremiah ng Bicol.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyong lahat d’yan. Napanaginipan ko na namasyal ako sa dulong bahagi ng lupain namin na malapit sa Mayon Volcano. Maraming tupa ang nadaanan ko na nanginginain sa damuhan, tapos naglakad pa ako malapit sa sapa at ang linaw ng tubig doon.


May nakita na naman akong mga tupa na sarap na sarap sa pag-inom ng tubig sa sapa. Ang saya ng pakiramdam ko at nawala ang lahat ang stress ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Jeremiah

Sa iyo, Jeremiah,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga tupa. Ito ay nangangahulugan na makakapag-asawa ka ng mabait, mababang loob at relihiyosang partner sa buhay. Gayundin, bibiyayaan kayo ng malulusog at matatalinong anak, kaya lang, hindi siya gaanong maalam sa pangangalaga ng tahanan. Kulang pa siya sa kaalaman sa wasto at tamang pag-aayos ng mga bagay-bagay sa inyong magiging tirahan. Wala rin siyang hilig na mag-alaga sa mga magiging anak ninyo.


‘Yun namang sapa na may malinaw na tubig, ito ay nangangahulugan ng kaligayahan sa tahanan, tagumpay sa negosyo at nakatakda ka ring magkamit ng karangalan sa lugar ninyo dahil sa natamo mong tagumpay.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page