top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga opisyal ng gobyerno, unahin sa drug test

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 5, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 5, 2023


Iniutos ni Interior Secretary Benhur Abalos ang random drug testing sa lahat ng attached agencies at bureaus sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) gayundin sa lahat ng local government units (LGUs).


Ayon kay Abalos, mahigpit na ipatutupad ng DILG ang random drug testing na kinakailangan sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakatakdang maglabas ang DILG ng circular para iutos ang random drug testing sa lahat ng mga attached agencies nito.


Habang isinusulong ng gobyerno ang supply reduction operations, dapat din umanong magkaroon ng demand reduction interventions, lalo na sa loob ng quarters nito.


Giit ng opisyal, bagama't nagbigay siya ng kasiguruhan sa nararapat na proseso para sa mga empleyado ng gobyerno na nagpositibo sa ilegal na droga, binanggit niya na maaari rin itong mauwi sa pagtanggal sa serbisyo.


Pinangangasiwaan ng DILG ang lahat ng LGU kabilang ang mga barangay, munisipalidad, lungsod at lalawigan, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.


Mayroon din itong hurisdiksyon sa tatlong komisyon (kababaihan, bata at Muslim affairs), Local Government Academy, Public Safety College at National Police Commission.


Samantala, sinabi ni police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na hindi na ipatutupad ng PNP ang tinatawag na reprojection policy – isang hakbang kung saan ang mga pulis na pinaghihinalaang sangkot sa mga masasamang gawain ay itatalaga sa ibang mga yunit o rehiyon.


Ayon kay Acorda, dapat walang derogatory record ang mga opisyal at tauhan ng PNP drug enforcement units.


Dagdag pa niya, dapat magkaroon ng mas mahigpit na pagsusuri sa mga pulis kung sila ay itatalaga sa PNP Drug Enforcement Group at iba pang anti-narcotics units.


Sa totoo lang, dapat mauna si Abalos at iba pang matataas na opisyal sa drug testing na ‘yan upang maging halimbawa sa ibang empleyado sa gobyerno.


Alam natin na karamihan sa ibang mga opisyal ay sila pa ‘yung mga sangkot sa ilegal na droga.


Ito ang tunay na hamon para sa gobyerno, sibakin agad sa puwesto ang magpopositibong gumagamit ng droga upang hindi na makahawa pa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page