top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga opisyal na pasaway sa health protocol, sibakin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2021
1 min read

@Editorial | March 18, 2021



Kung hindi patulug-tulog sa pansitan, pasimuno naman sa paglabag sa mga health protocol.


Ito ang mapapansin sa ilang opisyal ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Simulan natin sa mga kapitan ng barangay na hindi nagpaparamdam. Viral na ang mga post ng nasasakupan tungkol sa mga menor-de-edad na nagkalat sa lansangan at mga kapitbahay na dedma sa pagsusuot ng face mask at nagagawa pang magtsismisan, pero si kap, mas wala ring pakialam.


May tserman na mas gustong magkulong sa malamig na opisina o kaya’y makisigaw sa sabungan.


Ganundin ang mga opisyal sa matataas na posisyon na sila dapat ang mas kakitaan ng pag-iingat laban sa COVID-19, sila pa ang pasaway. Alam nang may mga panuntunan na dapat sundin pero, ayaw pa ring gawin, sadyang matitigas ang mukha.


Mamamayan ang palaging sinisisi sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 pero, marami ring opisyal ang nangunguna sa pagiging pasaway.


May iba sa kanila na nagpatung-patong na ang mga ginawang paglabag hanggang sa nakalimutan na lang.


Paano mapapasunod ang publiko kung ang mismong tagapagpatupad ay sila pang unang lumalabag?


Ang magandang hamon sa gobyerno ay sampulan ang mga pasaway. ‘Pag lumabag o pumalpak, sibak agad!


Maraming mas kayang maging responsable at mabuting ehemplo sa paligid na hindi lang nabibigyan ng pagkakataon. Baka puwedeng sila naman, magsilayas na ang mga pasaway.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page