Mga numero at lotto outlet na suwerte sa misis na gustong yumaman
- BULGAR
- Jan 3, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero |Enero 3, 2023
Dear Maestro,
High school pa lang ako ay mahilig na akong kumanta. Palagi akong sumasali sa mga singing contest, minsan ay panalo, pero madalas ay talo. Gayunman, hindi pa rin ako tumitigil dahil pangarap kong maging singer.
Ngayon ay may asawa at pamilya na ako, pero hindi pa rin nawawala ang pangarap ko na maging singer. Hirap kami sa buhay ng mister ko, kaya gusto kong makatulong sa kanya sa pamamagitan ng pag-awit.
Sa palagay n’yo, Maestro, may pag-asa ba akong sumikat at maging isang professional singer balang-araw? Sa kasalukuyan, habang wala pa kaming pera, minsan ay tumataya ako sa lotto. Kapag nanalo ako, gusto kong magtayo ng restoran na may singing band o banda para ru’n na lang ako kumanta. Matutupad ba ang pangarap kong ito na maging successful singer? October 28, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Dorie ng Bukal, Calauag, Quezon
Dear Dorie,
Ayon sa birth date mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1), tiyak na sisikat ka sa anumang larangan na iyong tututukan, kaya kung hilig mong umawit, huwag kang tumigil, sumali ka lang nang sumali sa mga singing contest. Mas mahalaga kasing sumubok ka nang sumubok hanggang sa dumating ang takdang panahon upang ikaw ay makilala at tuluyang sumikat.
Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1, mapalad ka rin sa numerong may sumatotal na 4, 8 at 7, tulad ng 13, 22, 31, 40, 17, 26, 35, 44, 16, 25, 34, 43 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 4, 23, 27, 34, 40 at 41, gayundin ang 1, 17, 22, 31, 37 at 42. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Qabbalistic of Numbers: 1842/ 1721/ 1175/ 1092.
Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa beer house, night club o sa mga establisimyento na may kaugnayan sa libangan at bisyo. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.
Ayon sa iyong Career Calendar, basta huwag kang titigil sa pag-o-audition at pag-awit dahil sa taong 2028 ay susuwertehin ka — madi-discover din ang iyong talento at sa panahong ‘yun at sa edad mong 38 pataas, tiyak ang magaganap, matutupad na ang malaon mo nang pangarap na maging ganap at sikat na mang-aawit.




Comments