top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga negosyo at pampublikong sasakyan, stop muna nang dalawang linggo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 4, 2020



MARAMI NA NAMANG MAGUGUTOM SA PANAHON NG MECQ—Sa kahilingan ng mga health workers na magkaroon sila ng “time out” dahil sa patuloy na pananasala ng COVID-19 at napupuno na ang mga ospital ay nagpasya ang Duterte gov’t. na muling isailalim sa dalawang linggong (Agosto 4-18, 2020) modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.


Ibig sabihin, isasara ulit ang karamihan sa mga negosyo at bawal na namang pumasada ang mga pampublikong sasakyan.


Dahil sarado na naman ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan ng mga manggagawa at tigil-pasada ang mga tsuper, asahang dalawang linggo na namang makakaranas ng gutom ang mga mahihirap nating kababayan, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘


HUWAG MAGING PASAWAY SA PANAHON NG MECQ—Sa loob ng dalawang linggong MECQ, sana ay sundin natin ang health protocols ng pamahalaan tulad ng stay at home muna ang mga hindi pinapayagang lumabas, samantala, ang mga may quarantine pass naman, kapag lumabas ng bahay, dapat palaging magsuot ng face mask at magpairal ng social distancing.


‘Ika nga, huwag maging pasaway sa panahon ng MECQ nang sa gayun ay makontrol na ang bilang ng mga tinatamaan ng virus, period!


◘◘◘


P4.5-T 2021 NATIONAL BUDGET, SA DAGDAG-TAX AT UTANG SA IBANG BANSA KAYA KUKUNIN?—Higit P4.5 trilyon ang budget na hinihirit sa Kongreso ng Malacañang para sa 2021.


Ganu’n? Eh, sa dami ng mga kumpanyang nagsara at tiyak na malaki rin ang mababawas sa ipadadalang remittance ng mga OFWs dahll marami rin sa kanila ang nawalan ng work sa ibang bansa, saan kaya kukunin ng gobyerno ang ganyang kalaking halaga para sa 2021 National Budget? Sa dagdag-tax kaya o utang na naman sa ibang bansa? Nakupo!


◘◘◘


PARA HINDI MAKASUHAN, DAPAT IHIRIT NG MGA MAYOR NA SA MALACAÑANG NA KUMUHA NG PERMIT ANG MGA TELCOS—Pasasampahan daw ng kaso ni P-Duterte ang mga local officials na hindi agad magre-release ng permit sa mga tower na itatayo ng mga telecommunications company sa mga munisipalidad at lungsod.


Aba, kung ganyang may banta ang Pangulo, dapat hilingin na lang ng mga alkalde kay P-Duterte na ang mga telcos na magtatayo ng tower ay sa Malacañang na lang direktang kumuha ng permit para lusot sila sa kaso, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page