Mga nanay, tandaan... Tips para 'di lumaking mahiyain ang bata
- BULGAR

- Oct 9, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 9, 2020

Sa pamamagitan ng pagmamahal at gabay ng isang matiyagang tagapag-alaga, ang isang batang mahiyain kapag hindi naturuan ay magiging mahiyain din hanggang sa pagtanda nito.
Habang lumalaki ang bata, natatakot na magsalita hinggil sa kanyang kailangan at hangarin ay nawawala ang mga benepisyo at oportunidad.
Inihihiwalay nila ang kanilang sarili at nililimita ang paglapit sa mga tao sa kanilang kapaligiran. Upang mawala ang kanyang pagkamahiyain at mapalitan ng pagiging outgoing behavior at mahikayat siya sa positibong pakikisama sa buhay ng ibang bata hanggang sa paglaki niya ay may paraan pa.
1.Kumuha ng professional consultation. Ang masabi kung bakit siya nahihiya ay isang sintomas ng mas malaking problema. Kung ang bata ay may Asperger's syndrome, hindi niya alam kung paano tutugon sa kailangan ng kanyang kapwa. Magkakaroon din siya ng nonverbal learning disability.
2. Pansinin ang mga espesipikong sitwasyon kung kailan nagpapakita ng pagiging mahiyain ang bata. Hindi naman lahat ng bata ay nahihiya sa lahat ng oras. Ang pagkamahiyain ay maaaring dahil na rin sa bagong mga tao na kanyang nakikilala, kapag nahaharap sa group presentations, pag-perform ng isang aktibidad o paggawa ng bagong bagay sa harap ng ibang tao.
3. Magtakda at isali ang bata sa isang sitwasyon na humihikayat sa kanya na makilahok sa maraming tao. Ang mga potensiyal na aktibidad ay katulad ng volunteer activities, kalaro ang mga ka-miyembro sa clubs tulad ng badminton o tennis games.
4. Maging kumpiyansa at batiin ang iba sa harap ng iyong nahihiyang anak. Ang mga positibong tugon sa iyong inuugali bilang magulang ang makatutulong sa kanya para magaya niya ang iyong ginagawa. Halimbawa, kung ang bata ay takot na makipag-usap sa ‘di kakilala, purihin sila sa harap niya.
5. Magpakita ng magandang halimbawa sa harap ng iyong anak. Iwasang maging magaspang sa harap ng ibang tao at maging magalang o mabait. Batiin ng sinsero ang iba at may kalakip na saya kapag may bagong nakilala. Bumati ng may respeto sa nakatatanda habang nakikita niya ito.
6. Ipakita sa kanya ang positibong pakiramdam. Huwag pintasan ang pagiging mahiyain niya at huwag siyang pahiyain sa ibang tao.
7. Makipag-usap na mabuti sa bata at ipaalam sa kanya kung anong mga aktibidad siya mahusay. Maaaring kahit ganyan siya ay mahusay siyang artist, manunulat, basketball player o mathematician.
8. I-enroll ang bata sa kanyang paboritong extracurricular activities na kailangan ng pakikipag-usap sa maraming tao na may pareho rin niyang interes at hilig. Ngayong may pandemya, uso ang online meeting at kung may pagkakataon ay ipakilala siya sa iyong mga kausap sa internet at batiin ang mga ito.
9. Hikayatin siyang ibahagi ang kanyang special talent sa mas bata sa kanya. Ang abilidad na magbahagi siya ng impomasyon ang hahasa sa kumpiyansa ng isang mahiyaing bata.
10. Sikaping hindi siya pintasan sa harap ng ibang tao dahil kapag nagkaganoon ay matatakot na siyang humarap pa sa iba.








Comments