Mga magulang ni Sarah, nagpunta ng DOJ
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 2, 2024

Nakapukaw ng atensyon ang mga magulang ni Sarah Lahbati matapos silang makitang nasa opisina ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Ang mga magulang ni Sarah na sina Esther at Abdel ay may hawak na tila dokumento sa isang folder, at nagpakuha ng litrato sa harap ng gusali ng DOJ, base sa post ni Esther sa kanyang Instagram page.
“Finally, na-post ko na rin itong picture na ‘to. Taga-rito ako sa Philippines [pero] ngayon lang ako nakapagpa-picture dito sa DOJ,” aniya sa caption ng post.
Hindi naman nilinaw ni Esther ang layunin ng kanilang pagbisita sa opisina ng ahensiya.
Gayunpaman, inintriga niya ang kanyang mga followers matapos siyang mag-like ng ilang mga komento na nagbibigay ng espekulasyon na ang kanilang pagbisita ay may kinalaman sa umano'y problema sa kasal ng kanilang anak na si Sarah sa aktor na si Richard Gutierrez.





Comments