Mga magsasaka, na-'double kill' nina Duterte at Marcos
- BULGAR
- Jan 16, 2023
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 16, 2023
DAHIL SA IMPORTASYON NG BIGAS AT SIBUYAS, NA-'DOUBLE KILL' ANG MGA MAGSASAKA—"Double kill" ang inabot ng mga magsasakang Pinoy sa administrasyon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulo na si Bongbong Marcos.
Sa Duterte administration ay isinabatas ang "rice tariffication law" na nagbibigay pahintulot sa mga kapitalista na mag-import ng bigas na nagdulot kaya nalugi ang mga magsasaka ng palay.
Samantala, sa administrasyong Marcos nama'y tiyak na pagkalugi rin ang kanilang aabutin ngayong anihan ng sibuyas dahil nagdesisyon ang Department of Agriculture (DA) na sabayan ito ng pag-i-import ng sibuyas.
◘◘◘
INTERIOR SEC. ABALOS, WALANG 'BALLS' PANGALANAN MGA NARCO-COLONELS AT NARCO-GENERALS—Sabi ni Interior Sec. Benhur Abalos, hindi niya isasapubliko ang pangalan ng mga police colonels at generals na sangkot sa ilegal na droga.
Hay naku, sunud-sunod ang pabida niya sa media tungkol sa mga police officials na sangkot sa ilegal na droga na kanyang pinagre-resign sa tungkulin, tapos "wala pala siyang balls" para pangalanan ang mga ito.
◘◘◘
MAHINA ANG INTELLIGENCE NETWORK NG MAG-AMANG BENHUR AT BEN ABALOS—Si Sec. Benhur Abalos ay dating mayor ng Mandaluyong City, at sa ngayon ang alkalde ng lungsod ay ang kanyang ama na si Mayor Ben Abalos.
At bilang dating alkalde at ngayon ay DILG sec., at erpat niya ang mayor ngayon ng lungsod, hindi ba alam ng mag-amang na maraming residente sa Mandaluyong City ang nararaket sa operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng nina "Kits" at "Egay"?
Kung hindi nila alam, isa lang ibig sabihin nito, mahina ang kanilang intelligence network.





Comments