top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga magsasaka, malaya na sa utang

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 9, 2023


Tinupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pangako na palalayain niya ang mga magsasaka sa utang matapos nitong lagdaan ang New Agrarian Emancipation Act, na mapapakinabangan ng 600,000 Pilipinong magsasaka sa buong bansa.


Ang batas ay malinaw na nagpapahintulot sa mga magsasaka na may higit sa 1 milyong ektarya ng lupa na magbayad ng hindi nabayarang amortization, interes, surcharge, at mga parusa sa kasalukuyang mga pautang. Ang mga magsasaka ay benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nasa P57.56 bilyon ang mga principal na utang ang hindi nababayaran ng humigit 610,054 agrarian reform beneficiary (ARB) na nagbubungkal ng mahigit 1.7 milyong ektaryang lupain.


Sa ilalim ng mga agrarian laws, ang mga magsasaka na may utang na katumbas ng halaga ng lupang ibinigay sa kanila ay kailangang bayaran sa loob ng 30 taon na may 6% na interes bago tuluyang mapasakanila ang lupa.


Ngunit para kay Marcos, hindi rito nagtatapos ang mga pagsisikap para sa pantay na pamamahagi ng lupa.


Pinasalamatan din ng Pangulo ang sangay ng Lehislatura sa pagsunod sa panawagan ng mga magsasaka.


Magandang balita ito para sa mga kababayan nating magsasaka, dapat lang na ibigay sa kanila ang mga lupa kaysa iba ang makinabang.


Sa ginawa niyang ito, kahit papaano ay mababawasan na ang paghihirap ng mga magsasaka at pinatunayan din niya na may malasakit siya sa mahihirap.


Hiling natin na hindi rito magtatapos ang tulong para sa kanila upang mapalitan naman ang kanilang mga paghihirap sa pagsasaka.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page