Mga magpaparehistro sa Comelec, magdamag na pumila

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021

Dumagsa ang mga magpaparehistro Commission on Elections sa Quezon City para sa halalan sa susunod na taon.
Bantay-sarado ng mga tauhan ng Philippine National Police, Task Force Disiplina at Quezon City Department of Public Order and Safety ang paligid ng tanggapan ng Comelec dahil sa dagsa ng tao.
Marami sa kanila ang magdamag nag-abang sa labas ng Comelec office, pero 300 slots lamang per district ang ibinibigay.
Napuno agad ang 300 slots ng Districts 2, 3 at 6 at tanging ang District 5 na lamang ang may natitira pang slots ngayong araw.
Para sa mga nais magparehistro na mga residente ng District 4 at 1, hindi sa Comelec office pipila kundi sa Trinoma Mall.
Umaasa naman ang marami na sana ay madagdagan pa ang slots ng mga magpaparehistro para makaboto sa darating na halalan.
Samantala, patuloy pa rin ang panawagan na i-extend ang voter’s registration hanggang Oktubre.




Comments