top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga magbababoy, umaaray na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2020
  • 1 min read

@Editorial | November 6, 2020


Bukod sa kinahaharap na pandemya at epektong iniwan ng bagyo, isa rin sa hinihingi ng saklolo ang kalagayan ngayon ng mga kababayan nating nasa pagbababoy ang kabuhayan.


Ilang grupo ng magbababoy ang umaapela para sa karagdagang tulong mula sa gobyerno habang wala pang bakuna para sa African Swine Fever (ASF) na anila’y mas mahirap lunasan kaysa sa COVID-19.


Ayon sa mga magbababoy, mahirap pigilan ang ASF dahil kahit anong disinfectant ang gamitin nila at kahit mag-spray maghapon ay tinatamaan pa rin ang kanilang mga alaga.

Kaugnay nito, marami na umano sa kanila ang nababaon na sa utang dahil kahit ang mga biik ay namamatay dahil sa ASF.


Napag-alamang hindi bababa sa 100,000 baboy mula sa Visayas at Mindanao ang idine-deliver sa Luzon upang mapanatilihing sapat ang supply sa buong bansa. At kung sakaling magkaroon ng kakapusan, alam na natin ang magiging epekto nito hindi lang sa hapag-kainan kundi maging sa mga negosyante, tindero at lahat na ng manggagawa na may kaugnay sa baboy ang hanapbuhay.


Kaya sana’y matugunan agad ang sitwasyong ito bago pa lumala. Ibigay na ang nararapat na ayuda lalo na sa mga direktang naaapektuhan ng problema sa ASF.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page