top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Mga lucky color ng bebot na feeling malas sa buhay, alamin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 12, 2024


Dear Maestro,


Sa kasalukuyan ay naghahanap ako ng trabaho. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano ba ang kulay na dapat kong suotin kapag ako'y nag-apply ng trabaho para madali akong suwertehin? 


Ang birthday ko ay October 14, 1999.  

 

Umaasa,

Ynah ng Calumpang, Binangonan, Rizal

 

Dear Ynah,


Ayon sa iyong Color Calendar, ang mapalad mong kulay hindi lamang sa paghahanap ng trabaho kundi maging sa pag-ibig at iba pang aspeto ng iyong buhay ay ang kulay pula at lahat ng kulay na hinango sa pula, tulad ng pink, lilac, lavender at iba pa. Ang nasabing mga kulay, ang paborable sa mga taong may zodiac sign na Libra. Kung saan, ikaw ay nagtataglay din ng ruling planet na Venus. Ito ay nangangahulugan na kapag inlab at lagi kang maganda, ang magandang kapalaran ay tuluy-tuloy ding dadapo sa iyo.


Bukod sa pula, puwede rin sa iyo ang lahat ng kulay na hinango sa gray at silver, dahil sa birth date mong 14 o 5, (ang 14 ay 1+4=5) at ikaw ay nagtataglay ng planetang Mercury. At dahil mana sa destiny number mong 7 (naging 7 ang destiny number mo dahil 10+14+1999=2023/ 20+23=43/ 4+3=7), puwedeng-puwede rin sa iyo ang color of the year na green o berde.


Ganito ang paggamit, tuwing sasapit ang petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21, at 30, lalo na kung matatapat ang mga petsang iyan sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Pula, pink, lilac o kaya’y lavender at iba pang kamag-anak ng kulay pula ang isuot mo.


Tuwing sasapit naman ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, lalo na kung matatapat ang mga petsang nabanggit sa araw ng Lunes at Linggo, berde ang isuot mo at iba pang kulay na hinango sa kulay na berde.


Kung sasapit naman ang petsang 5, 14, 23, 8, 17 at 26, at natapat ang petsang nabanggit sa araw ng Miyerkules at Sabado, gray, puti o kaya’y silver ang isuot mo.


Kapag nagawa mo ang simpleng rekomendasyong nabanggit sa itaas – sa taong kasalukuyan, sa buwan ng Hulyo, sa edad mong 24 pataas, bago sumapit ang edad mong 25, matatanggap ka na sa mga inaaplayan mong trabaho na may kaugnayan sa natapos mong kurso, at du’n ka na rin uunlad at habambuhay na liligaya.

 

 

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page