top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga kurakot, smugglers at gambling lords, lalong yumaman, mahihirap mas naghirap

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 2, 2023


‘PAG GUMAWA SI ES BERSAMIN NG EO NA TASK FORCE LABAN SA MGA TRAPONG ‘DI NAGBABAYAD NG TAX, APRUBAHAN KAYA ITO NI P-BBM? –Isang araw bago ang selebrasyon ng Labor Day kahapon, Mayo 1, inaprubahan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang executive order ni Executive Sec. Lucas Bersamin na bumuo ng isang inter-agency task force na tututok sa mga labor cases sa bansa.


Sana gumawa rin si ES Bersamin ng executive order na bubuo ng inter-agency task force na tututok naman sa mga tax cases sa bansa. Sa totoo lang, sangkaterbang trapo (traditional politicians) ang hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan, ang problema nga lang, dahil mga trapo na hindi nagbabayad ng buwis ang tatamaan dito, aprubahan kaya ito ni P-BBM? Boom!


◘◘◘


PARANG SINABI NA RIN NI CONG. DELOS SANTOS NA FAKE NEWS ANG IBINIDA NG BSP NA BUMABA NA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN– Ayon kay Probinsyano Partylist Rep. Alfred delos Santos, hindi ramdam ng mamamayan ang inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ang inflation rate o presyo ng mga bilihin at bayarin nitong nakalipas na Abril.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Cong. Delos Santos na fake news ang ibinibida ng BSP na bumaba na ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


IBINIDA NG PSA NA LUMAGO ANG EKONOMIYA LAST YEAR, FAKE NEWS! –Inanunsyo naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong 2022 ay tumaas nang 7.2% ang ekonomiya ng bansa.


Hay naku, nauso lang sa ‘Pinas ang mga fake news, eh, itong PSA ay nakikiuso na rin sa paglalabas ng pekeng balita.


Paanong lalago ang ekonomiya, eh, mula sa Duterte administration hanggang ngayong nasa ilalim tayo ng administrasyong Marcos, puro pagdurusa ang inaabot ng mamamayan sa non-stop na taas-presyo ng mga bilihin at bayarin, at milyun-milyon pa naging jobless, tsk!


◘◘◘


MAY MGA LUMAGO ANG EKONOMIYA, PERO ‘DI ANG MAMAMAYAN KUNDI MGA TRAPO, SMUGGLERS AT GAMBLING LORDS– Sa totoo lang, sa nakalipas na mahigit anim na taon, mayroon naman talagang lumago ang ekonomiya o malaki ang kinita at mas guminhawa ang pamumuhay, pero hindi ang mamamayan.


Ang mga lumago ang ekonomiya at malaki ang kinita, at lalong naging rich ay ‘yung mga kurakot na trapo, smugglers at gambling lords, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page