ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 8, 2023
Dear Maestro,
Napansin kong malas ako lalo na pagdating sa pag-ibig at trabaho. Wala akong trabaho at wala rin akong boyfriend ngayon. Kaya ang wish ko, sana suwertehin na ako. Alin ba ang malas sa buhay ko, ‘yung pirma ko na medyo naburara at nababoy o ‘yung birth date kong 13?
Ang birthday ko ay March 13, 1991.
Umaasa
Wella ng Coliat, Ibaan, Batangas
Dear Wella,
Kung susuriing mabuti, hindi naman masasabing malas ang birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), sa zodiac sign na Pisces sa destiny number na 9 (3+13+1991=2007/ 20+07=27/ 2+7=9). Sa halip, nasa tamang pamamaraan ng pagamit ng mga numerong iyong tinataglay upang ang suwerteng dulot ng mga numero at zodiac sign ay iyong mapakinabangan.
Halimbawa, dahil 4 ang birth date mo sa zodiac sign na Pisces, kailangang lagi kang magsuot at gumamit ng kulay dilaw at berde. Sa partikular na petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31. Lalo na sa araw ng Linggo, dilaw ang isuot at lagi mong gamiting kulay.
Kapag naman ang petsa ay 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, lalo na sa araw ng Lunes, berde ang isuot mo at lagi mong gamiting kulay.
Isa pa muling halimbawa ang simpleng paraan upang mawala ang kamalasan ay dahil 9 ang destiny number mo, kailangang magsuot ka ng damit na kulay pula o pink, tuwing sasapit ang petsang 3,1 2, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang mga petsang nabanggit ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes. At tandaang maraming pang paraan upang mawala ang kamasalan.
Halimbawa pa, dahil Pisces ang zodiac sign mo, dapat ang pipiliin mong mga kaibigan ay silang mga ka-compatible mo, tulad ng Cancer, Scorpio, Virgo, Capricorn, Taurus at Pisces na tulad mo.
Kasabay nito, dapat mo namang iwasan ang mga taong under sa zodiac sign na Aquarius, dahil maaaring imbis na suwerte ay dagdag na kamalasan lang ang idulot sa iyo ng mga taong nabanggit.
Hinggil naman sa iyong lagda na maaaring ito ang nagbibigay sa iyo ng kamalasan, mas mainam kung simpleng “W at R” na lang na hindi na baboy o naburara ang gawin mong simula ng iyong lagda at tapusin ang iyong pirma sa tuwid na guhit.
Sa ganyang lagda, hindi lang sa pag-ibig at career kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, susuwertehin at maligaya ka. Magsisimula itong mangyari at maganap sa susunod na taong. Sa edad mong 33 pataas – sa panahong nabanggit, magkakaroon ka na ng stable na career at magkaka-boyfriend ka na.
Comentários