Mga kahulugan ng diamond
- BULGAR
- Jun 10, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 10, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Manuel ng Caloocan
Dear Maestra,
Tagasubaybay ako ng inyong kolum dahil hanga ako sa interpretasyon n’yo ng mga panaginip na isinasangguni sa inyo.
Napanaginipan ko na binigyan ako ng diamond ring ng aking dyowa. Kinabukasan, napanaginipan ko na nakahukay ako ng diamond sa likod-bahay namin.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Manuel
Sa iyo, Manuel,
Ang ibig sabihin ng iyong panaginip na binigyan ka ng dyowa mo ng diamond ring ay hindi siya tapat sa iyo. May binabalak siyang gawin na hindi mo magugustuhan. Samantala, ang nakahukay ka ng diamond sa likod-bahay n’yo ay babala na masasangkot ka sa gulo at maaaring hindi mo ito maiiwasan. Gayunman, ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin at lumayo ka sa mga kaibigan na sa iyong palagay ay hindi mapagkakatiwalaan. May naiinggit sa iyo at sisirain nito ang iyong reputasyon. Dahil dito, talasan mo ang iyong pakiramdam at maging alerto.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments