top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga ibinago ng BSP sa peso bill, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 21, 2020




Pormal ng inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang new generation currency (NGC) banknotes kung saan ginamitan ng latest anti-counterfeiting technology.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ito rin ay para sa mas medaling matutukoy ng matatanda at visually impaired ang hawak nitong pera.

Sa enhanced banknote, makikita ang windowed security thread (WST) na vertically across sa note na may design at kulay na makikita sa iba’t ibang angle.


Ito ay may disenyong weave na gawa ng indigenous people at may alphanumeric denomination value at BSP text.

Para naman sa 1,000, mas malaki ang thread mula 4mm ay naging 5mm at ang width naman nito ay nanatiling 4mm.

Makikita rin na naka-embossed na ang “1,000” denomination at “500” na nag-iiba ang kulay sa bawat angle. Bukod pa rito, makikita na rin ang dalawang horizontal bands sa magkabilang side ng banknote. Limang pares sa 1,000; apat na pares sa 500; tatlo sa 200; dalawa sa 100 at isa sa 50.

Dagdag ni Diokno, mas mahal ang paggawa ng bagong NGC kaysa sa naunang inilunsad.


Samantala, patuloy na ie-enhanced ang banknote dahil natatanggal ito dahil sa natural attrition. Aniya, "The enhanced NGC banknotes shall co-exist with the NGC banknotes currently in circulation."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page