top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga hoarders ng karneng baboy, ilantad!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2021
1 min read

@Editorial | February 21, 2021


Sa kabila ng ipinatutupad na price ceiling sa karneng baboy at manok, patuloy ang panawagan na imbestigahan ang nangyaring sobrang pagtaas ng presyo.


Nauunawaan natin na isa sa mga dahilan ay ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF), kung saan napakaraming baboy ang pinatay.


Gayunman, ang mahirap tanggapin ay ang nabulgar na may mga negosyante umanong nagho-hoard ng karneng baboy at manok.


At ngayon nga na kahit may price cap na, marami pa rin ang umaaray dahil wala naman umanong supply dahil itinatago o hino-hoard ng mga pasaway na negosyante. Para bang walang takot sa batas.


Kaya ang hamon sa gobyerno, kung talagang seryoso tayong mawala ang problemang ito na dagdag pa sa pandemya, eh, paghuhulihin na ang mga sugapang negosyante. Alam naman nilang hirap ang maliliit na tindero ay iniipit pa nila.


Kapag tukoy na ang mga ito, ilantad ang pangalan at kasuhan ng pananabotahe sa ekonomiya nang hindi na pamarisan.


Ito ang panahon ng pagtutulungan para unti-unting makabangon. Tigilan na ang panlalamang sa kapwa.


Walang ibang mag-aahon sa atin mula sa pandemic na ‘to kundi ang isa’t isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page