top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Mga guro na lubog sa utang, sagipin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 15, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi dapat normal na ang gurong nagtuturo sa mga bata kung paano mangarap ay siya mismong nabubuhay sa pangungutang. Bago pa dumating ang susunod na sahod, nakalaan na ito sa hulog sa kung saan-sang utang. Kapag kinapos sa pagkain, pamasahe, matrikula ng anak o biglaang gastusin, panibagong utang na naman ang takbuhan. 


Hindi ito simpleng usapin ng pagiging marunong humawak ng pera. Kapag ang disenteng pamumuhay ay hindi kayang tustusan ng kinikita, ang problema ay hindi lamang nasa bulsa ng guro—nasa sistemang nagpapasahod sa kanya.


Mas masakit dahil hindi lang sariling gastusin ang pasan ng maraming guro. May mga bumibili mula sa sariling pera ng papel, ink, visual aids at iba pang kailangan sa klase. 

Hinihingan natin sila ng mahusay na pagtuturo, tambak na dokumentasyon at walang sawang malasakit sa mga estudyante, pero pagkatapos ng trabaho, sila naman ang nagkukuwenta kung paano pagkakasyahin ang natitirang pera hanggang sa susunod na payday. 


Ang utang na dapat sana'y pansamantalang tulong ay nagiging permanenteng bahagi ng buhay—uutang para bayaran ang naunang utang, hanggang ang sahod ay tila dumadaan na lamang sa kanilang ATM.


Ang kailangan ng mga titser ay sahod at benepisyong sapat sa tunay na halaga ng pamumuhay, at suportang magpapagaan sa mga gastusing kaugnay ng kanilang trabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page