top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga grupo ng guro, nanawagang iurong na ang pagbubukas ng klase sa August 24

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 8, 2020




Nanawagan ang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na iurong ang pagbubukas ng klase sa August 24 matapos na muling sumailalim ang Metro Manila at karatig-probinsiya sa MECQ.


Ipinahayag ng grupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC), ang pagkabahala dahil sa dumaraming tinatamaan ng coronavirus o covid-19 sa kanilang hanay.


“We already have teachers who tested positive for COVID-19 after doing tasks in schools while our learning modules remain unrealized,” sabi ni TDC National Chairperson Benjo Bansas.


Ipinaliwanag ni Bansas na inihahanda na ng mga guro ang mga modular learning at iba pang gagamitin para sa distance sa mga eskuwelahan bago magsimula ang klase sa August 24.


Gayundin, nahihirapang makumpleto ng mga guro ang reproduction ng libu-libong printed materials para self-learning modules na mas pinapaborang ipatupad na pag-aaral ng DepEd, na aniya, kinakailangang araw-araw silang pumapasok para matapos ito bago ang pagsisimula ng klase. Dahil dito, dumarami ang nagpopositibo sa test sa covid-19 na mga guro at nagkakasakit.


“What we ask for DepEd leadership is to be open to talking to education frontliners, classroom teachers, know their thoughts and opinions on school opening,” ayon pa kay Bansas.


Samantala, idineklara ng ACT, kinokonsiderang pinakamalaking grupo ng mga guro, na “time is up” para sa gobyerno na patunayang handa na sa pagpapatupad ng ligtas na pagbubukas ng klase at pagdedeliber ng accessible quality ng edukasyon habang may pandemya.


Hinihimok din ng ACT ang pamahalaan sa pamamagitan ng DepEd na i-revise ang kanilang plano at iurong ang pagbubukas ng klase dahil sa bigo itong makapaghanda nang husto para sa gagawing distance learning.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page