top of page

Mga frontliners, humihirit ng libreng testing…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2020
  • 2 min read

JENNYLYN, NADISMAYA SA NARARANASAN NG MGA NURSE SA PGH, NAG-INGAY NA NAMAN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 27, 2020




'Kaaliw ang birthday greetings ni Jennylyn Mercado para sa kanyang idolong si Sarah Geronimo last July 25.


“Happy Birthday @JustSarahG!!! I am such a fan of yours. Enjoy your special day. God bless. P.S. Apakan mo 'ko please,” ang tweet ni Jen.


Ang nakakatuwa pa, may naunang tweet si Jen na nagkamali siya ng pag-type.


Unang tweet niya ay “Happy Birthday @JustSarahG!!! Poster for life! Apakan mo 'ko please!”


‘Yung Popster ay naging “poster” kaya binura niya ito at nag-tweet ng panibago.


Aniya, Waaah sorry! Pinalitan ko na. Lagi ako natytypo huhuhuhu.”


Paliwanag pa niya, masyado raw kasi siyang excited mag-tweet kaya parati siyang nagkakamali at hindi na niya binabasa ulit ang kanyang na-compose.


Tuwang-tuwa naman ang mga Popsters sa greetings ni Jen at ini-repost pa nila ito sa kani-kanilang social media account. Komento nila, winner daw ang phrase ng aktres na “apakan mo 'ko please” na kadalasang sinasabi ng fan sa kanilang lodi (idol).


Noon pa ay very vocal na si Jen sa pagsasabing fan siya ni Popstar Royalty at isa ito sa mga pangarap niyang makatrabaho. Nabanggit na niya noon pa na kung gagawa siya ng movie sa Viva Films, her only request ay si Sarah ang kanyang kasama. At 'yan talaga ang kanyang wish list.


Samantala, viral at pinag-usapan din ang recent tweet ni Jen tungkol sa mga PGH (Philippine General Hospital) nurses.


Ini-retweet ng Kapuso Ultimate Star ang isang news item na nagsasaad na nagde-demand ang mga PGH nurses ng regular COVID-19 testing and better work schedules.


Sa caption ay ipinahayag ni Jen ang kanyang pagkadismaya dahil aniya, dapat ay kusa na itong ibinibigay sa ating mga frontliners at ‘di na kailangang hilingin pa.


“Nakakadismaya na kailangan pa talaga nilang mag-demand sa mga bagay na dapat kusang ibinibigay sa kanila,” tweet ni Jen.


Dagdag pa niya, “Kawawa ang ating medical frontliners. They deserve better than this...”


Pinuri si Jen ng mga netizens sa kanyang pagmamalasakit sa mga frontliners. Pero may isa ring basher na nagkomento na sana raw ay mag-donate na lang ang aktres ng PPE kesa Twitter ang inaatupag.


Kaya naman may isang fan na ni Jen ang sumagot at ipinost ang larawan kung saan nag-donate ang aktres ng PPEs. Natameme ang basher.


Actually, napakaraming natutuwa sa mga pakikipaglaban ni Jen sa iba’t ibang issues ngayon. Naikukumpara siya ngayon kay Angel Locsin na noon pa ay very vocal din sa kanyang mga opinyon in different issues kabilang na nga ang mga political issues.


Matatandaang umani rin nang katakut-takot na papuri si Jen sa mga pagtatanggol niya sa ABS-CBN. Isa siya sa mga Kapuso stars na nakipaglaban para sa Kapamilya Network, lalo na nga para sa mga nawalan ng trabaho.


People are saying na kung may Angel Locsin ang ABS-CBN, may Jennylyn Mercado naman ang GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page