top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga food business, nakakabawi sa pagluwag ng restrictions ngayong Pasko

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | December 12, 2021



Unti-unti nang nakakabawi ang ilang negosyong pagkain ngayong papalapit na ang Kapaskuhan dahil pinayagan na rin ang mga Christmas party.


Ngunit sa kabila nito, humihingi ng pang-unawa ang mga may-ari ng negosyo dahil hindi maiwasan ang pagtaas ng presyo ng kanilang paninda dahil tumataas din

ang mga presyo ng produkto at serbisyo sa merkado.


Sa La Loma, may pagtaas na ang presyo ng mga lechon pero halos fully booked na rin sila para sa Pasko at Bagong Taon.


Sa Tagaytay, fully booked na rin ang mga hotel at restaurant dahil sa mga Christmas Party at gatherings.


Sa isang restaurant naman sa Bulacan, marami na ang nagda-dine in sa mga restaurant at tuloy-tuloy na rin ang mga order para sa Noche Buena at Media Noche.


Kasabay din nito ay naglabas na ng SRP ang DTI sa Noche Buena Products. Para ma-check ang published SRP price mula sa DTI, bisitahin lamang ang https://www.dti.gov.ph/konsyumer/e-presyo/.


Patuloy namang umaasa ang mga negosyante na unti-unti na silang makakabangon dahil sa pagluwag ng restrictions sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page