top of page
Search
  • BULGAR

Mga estudyante, nawawalan na ng ganang mag-aral

@Editorial | February 27, 2021



Nabulgar na parami nang parami ang mga estudyanteng nawawalan na ng gana sa ipinatutupad na blended learning kasabay ng COVID-19 pandemic.


Kaugnay nito, mismong mga guro ay duda umano kung talagang may natututunan ang lahat ng mag-aaral sa kasalukuyang sistema.


Dahil nga walang face-to-face classes, may pagkakataong hindi maitatawid nang kumpleto at maayos ang lesson. May online classes nga pero, hindi naman lahat ay may maayos na internet connections, mismong mga guro ay hirap makasagap ng mabilis na net.


May mga magulang o guardian na tila napagod na rin sa pag-alalay sa pag-aaral ng anak lalo na’t karamihan ay abala rin sa mga gawaing-bahay o sa trabaho.


Kaya kapansin-pansing may mga lugar na nagkalat na sa labas ang mga bata kahit bawal. May ulat na bumababa ang bilang ng mga nakaka-attend ng klase online at hindi na rin natututukan ng iba ang modules.


Masasabing hindi biro ang pinagdaranan ng mga estudyante, guro at maging ng mga magulang, maraming bago at hamon na dapat harapin para maitawid ang edukasyon.


Hindi natin alam kung hanggang kailan ang ganitong sistema, sa ngayon talagang kailangang magtulungan upang magpatuloy ang pagkatuto, dagdagan pa ang effort, pasensiya sa pagtuturo at siyempre ang focus sa pag-aaral.


Huwag nating hayaang maapektuhan ng pandemya ang daloy ng edukasyon.

1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page